Malalim ang iniisip at bubulong-bulong sa sarili.
“Kung hindi ko lang sana ginawa ýon, 'di sana nagka-ganito”(tsk—tsk—tsk-)
“Dapat kasi hindi ito... Dapat yung una kong plano ang sinubok ko.”(sayang)
“Papaano pa?”
“Papaano na?”
“Kahit sino siguro ang nasa katayuan koý wala ng maiisip na iba pang paraan para malunasan ang ganitong klaseng sitwasyon at problema,” (don’t give up)
“Bahala na, kailangang kumilos. . . Bago pa maubos ang oras ko at maging huli ang lahat.” (alert)
“Pero sandali . . . mukhang kahit na anong gawin koý, parang lalo lang madaragdagan at lalaki ang problema.” (useless)
“Kailangan na talaga sigurong magsakripisyo para maka-iwas sa mas malalang sitwasyon,”
“Ngunit papaano nga? Kailangan pa bang magka-ganito, kailangan pa bang humantong sa ganitong kalagayan?” (esep-esep)
“Nasisiraan na yata ako ng ulo, kanina ko pa kausap ang sarili ko.” (sayad)
---- “Brod, ano nangyayari sa iyo? Kanina kapa bulong ng bulong diyan?” ------(concern)
“Ha ah, eh. . . wala, may iniisip lang ako.” (palusot)
---- “Nag-iisip o nagdarasal?” ------- (nambuska pa)
“Pare, pwede ba? hayaan mo akong makapag isip. . .” (kunot na ang noo)
---- “Ito tinatanong lang. . . sungit mo naman” ------
“Ang ingay mo kasi hindi ako makapag concentrate!”
---- “Anong concentrate? Ang lagay na’yon ay hindi kapa nakakapag concentrate?” ----
Nahinto ang pagtatalo ng dalawa . . .
“Dyaske kang bata ka, kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala!” (patay ka ngayon)
Hinawakan ng ina ang kanyang patilya at gigil na hinila paitaas. . . dahil sa sakit ay napasunod ito at napatayo sa kanyang kinauupuan.
“Araaaaay, aray-araaaayyy, Nay naman masakit!”
“Anong masakit mas lalo kang masasaktan kapag ang tatay mo pa ang sumundo sa iyo dito! Iniwanan mo yung pintong bukas, ayon nagpasukan lahat ng bibe duon sa loob ng bahay at nagkalat ng tae duon sa sala”
“Isinara ko po iyon.”
“Anong isinara, halika at tingnan mo.”
Papaalis na sana silang mag ina, nang humabol at mag tanong ang kanyang kabarkada.
--- “Teka- teka. Pare, tira mo.” ----
Bago pa nasundan ang usapan nilang magkabarkada ay dali-dali na siyang hinila ng kanyang ina papalayo.
“Maka ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wala kang mapapala diyan sa paglalaro ng chess! Lalo kalang mabobobo”
“Inay naman”.
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Bespren?
“Inom tayo”, inaya mo ‘ko.
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
“Pero wala akong pera ”, sabi ko sa’yo.
“Wala akong pampatak, kung ‘di otso”.
“Wag kang mag-alala sagot ko na”,
Tugon mo sakin, sabay dukot sa bulsa,
“Meron pa ako ditong singkwenta
Ihanda mo nalang ang baso at lamesa”.
Nagsimula tayo ng alas kuwatro
Tinagay ang markang demonyo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Ay nagsimula ng magkuwento.
Sinabing may mabigat na suliranin
Bumabagabag sa iyong damdamin
Tinanong kita at inamin sa akin
Ang syota mo ay may madilim na lihim.
Hindi mo napigil ang iyong luha sa pagpatak
Sinabi mong ang puso mo’y wasak na wasak
Sa awa ko sa’yo pati mundo ko’y bumagsak
Dahil sa syota mo, tayo ay umiyak
Kinalabit ko ang gitara at tayo’y kumanta
Yung sa Parokya ni Edgar at sa Rivermaya
Tinulungan kang makalimot at mapasaya
Makatakas kahit sandali sa iyong problema.
Nang matapos ang inuman ako’y napa isip,
Natingin sa malayo at natingala sa langit,
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Dahil ang syota mo, ako ang bagong iniibig.
Subscribe to:
Comments (Atom)
