Luma

Gamit na, gamit na!

Ang kotseng walang pahinga.

Gamit ko ang lumang kotse ng nanay ko na mahigit sampung taon niyang ginamit. . .
At kahit na sumasakit ang katawan ko sa pagliko at pagpihit ng manibela dahil hindi ito power steering,
pinagtitiyagaan ko.

Tinitiis ko at dinadaan na lamang sa ngiti ang mapahiya at mabingi sa nakakairitang busina ng aking mga kasunod kapag ka minamaneho ko ang lumang kotse dahil sa hirap na itong humatak,
lalu na't sa mga ahuning tulay at kalsada.

Dinadaan ko nalamang sa dasal ang pangambang nararamdaman, dahil baka ako masiraan sa daan kapag malayo ang aking pupuntahan.

Magku-krus bago umalis at bubulong ng sana ako'y makarating ng maayos sa aking paroroonan.

Pinagtitiyagan ko't pinagtitiisan at sinasamahan ng dasal.
Kahit na panay pangungutya at pintas ang inaabot ko sa
mga nakakakita
lalo na sa anak ng aking amo.

Ayaw kong kumuha ng bago
o modelong hulugan.
Dahil, ayaw kong magka utang
eto ngalang lumang kotse ng nanay ko ay hindi ko pa nababayaran.


Tiis lang,
ganyan talaga ang buhay.
Dapat maging kontento kung ano man ang meron ka
at ano man ang kaya mo.

Saka nalang kukuha ng bago, kapag ka

Naka ipon na ako...

No comments:

Post a Comment