Eks

(ang nasa itaas ay isa sa dalawang disenyong ginawa ko para sa pa-contest ng aming
high school batch para sa aming kauna-unahang reunion noong taong 2009. . .) 


Hindi ko na sana ikukwento sa inyo
Naging karanasan ko noong isang Linggo
Ngunit sadyang nasaktan ako...
Nasaling at nasagasaan ang aking Ego

Nagsimba kasi kaming buong pamilya
Punta kami ng mas maaga sa Sharjah (UAE)
Para maupo sa pwestong maganda
At nang mas maintindihan ang sermon at misa

Nang ang manga tao’y papasok na
Mayroong isang babaeng dating ka kilala
“Ka batch ko ‘yan (MHPHS ’94) at kaiskwela”
Inginuso ko sa aking mahal na asawa.

Ang babae’y aking tinitigan
Habang siya’y naghahanap ng mauupuan
Tumitiempong kahit man lang minsan
Aming paningin ay magkabanggaan

Nang siya sa aki’y natingin
Bumuwelo ako upang siya’y batiin
Ngunit sadyang nasaktan ang aking damdamin
Nang ako ay hindi niya pansinin

Hindi niya naba ko natatandaan?
O sadyang nilimot nya na ang nakaraan
Kung saan ako ang kaniyang kopyahan
Pag may exam sa English, Filipino’t Araling Panlipunan.

Sa isang bansang pareho kaming dayo
Hindi naman nais ang kumamay sa kanya’t magbesobeso
Isang simpleng ngiti o simpleng tango
Ang araw ko sana ay kanyang kinumpleto.

No comments:

Post a Comment