Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Bugbog sarado!
Isang malakas na suntok ang dumampi sa aking balingusngusan, na siyang naging dahilan ng pag sargo ng dugo mula sa aking ilong. Gusto ko sanang bumawi sa buwakanang inang sumuntok sa akin, pero bago pa ako nakalapit sa kanya ay isa na namang malakas na suntok ang aking natamo sa’king batok, na nagmula sa gawing likuran. Napa balikwas ako, lumingap sa paligid nagbabakasakaling makakita ng kahoy o batong pupwede kong ipanlaban sa hindi ko mabilang na kaaway.
Dalawa, tatlo, lima, sa likod, sa harap, kaliwa’t kanan?
Dahan-dahan akong humahakbang paatras nakikiramdam kung sino sa kanila ang muling aatake.
Yung mama kayang naka hubad baro sa may bandang kaliwa? Yung payatot na naka Chicago Bulls na sandong may panget na tato sa balikat? O iyong barker ng biyaheng Rosario Pasig sa kanan ko na mukhang tatlong araw ng walang tulog?
Nagbabalak akong tumakbo nang biglang lumusob patadyak sa akin yung "EX" ng kaklase ko noong high school, si Boy Putok. Bahagya akong naka iwas, ngunit nawalan ng balanse na naging sanhi ng aking pagkakatumba.
Doon na ako nakuyog at walang humpay na nakatamo ng umuulang sipa, suntok, tadyak.
Kahit saan ako lumingon ay iba’t ibang sukat ng kamao at klase ng tsinelas ang nakikita kong parating sa aking mukha at katawan.
Rambo, Beach Walk, Spartan, Alpombra…
Halos pa sarado na ang aking magkabilang mata dahil sa tinatamong gulpi, samahan pa ng hilam mula sa sarili kong dugo at habang patuloy ang bugbugang nagaganap ay pilit kong kinapa ang paligid at muli ay nagbakasakaling maka apuhap ng kahit na anong pupwede kong ipanglaban.
Ngunit sadya yatang kapalaran ko na ang mamatay noong araw na iyon, dahil kahit anong hanap ko at kapa sa paligid ay pulos batong sinlalaki ng bala sa tirador lamang ang aking nadadampot.
Kung pwede ngalang sanang lunukin ang isa sa mga batong iyon at sumigaw ako ng DARNA! Edi sana tapos na. Pero hindi, kahit siguro si Capt. Barbell ay di rin uubra sa lakas ng mga anghit ng gumugulpi sa akin.
Buti nalang at naka toma ako bago naganap ang bugbugan, kung kaya’t naka hiram ako ng tapang at lakas ng loob sa markang demonyo na may halong sabaw ng buko, kaya siguro ang taas ng enerhiya ko ng mga oras na iyon.
Hanggang sa hindi na kinaya ng aking katawan at unti-unti ay pinanawan na ako ng ulirat.
Ang huli ko nalamang naalala ay yung mga mga maliliit na etits noong mga gumulpi sa akin habang nakaikot sila’t iniihian ang nakahandusay kong katawan.
Napaisip nalang ako sa aking sarili… "‘Tangna n'yo may araw din kayo sa akin."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment