Utang



"Tangina na naman oh, wala na naman kayong panghulog? Tatlong hulog na kayong sumasablay, hindi n'yo ba magagawan nang paraan iyan?"

Nagising ako sa lakas ng bunganga na nagmumula sa aming sala.

"Aba'y lugi na ako, kung sa iba ko ipinautang iyong pera malaki-laki narin sana ang tinubo ko!"

Napa-upo ako sa aking kinahihigaan, tinikom ko ang aking kanang kamao habang salo-salo ng aking kaliwang kamay.

"Baka naman umabot pa tayo sa barranggay kung hindi niyo gagawan nang paraan yung panghulog niyo!"

Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mata dahil sa habag na nararamdaman para sa aking ina.

"Aalis na ako pero babalik ako sa makalawa para maningil, kung hindi kayo makakahulog kukunin ko iyang TV n'yo!"

Tumayo ako't pumunta sa sala. Nilapitan ko ang nanay kong umiiyak.

"Masahol pa sa hayop ang asal!" pagalit kong sabi.

Napatignin sakin si Nanay,
"Wag kanang magsalita ng ganyan, baka mainit lang ang ulo ng ate mo."

No comments:

Post a Comment