Muning


Hawak ang isang uno-por-dos na coco-lumber ay impit ang aking hiningang nag-aabang sa likod ng pinto ng aming kusina.
Maingat akong hindi makagawa nang ano mang ingay upang hindi makahalata o mabulabog ang aking hinihintay.

Si Muning.
Ang pusang tirador ng aming ulam, siya na dahilan kung bakit ako napagalitan at nagulpi ni Tiyo Karyo kanina.
Kailangan kong makaganti.


Lumipas ang mga ilang sandali ay nakita ko na ang pusang magnanakaw, dahan-dahang lumalakad papasok sa aming kusina na animo'y nakikiramdam. May bitbit siyang isang malaking daga na sakmal-sakmal niya sa leeg.

Kumuha ako nang tiyempo para sa aking pag-atake.
"Yari ka sa'kin ngayon," sa loob-loob ko lang.

Humakbang ako papalapit at bumuwelo para hatawin ang pusa.

"Hayop ka!"
Tinamaan ko siya nang isang solid sa gulugod na naging dahilan upang mabitiwan niya ang kagat-kagat na daga.
Sinundan ko pa ng isa-dalawa-tatlong palo, hanggang sa tuluyan nang mawalan nang malay si Muning.

.
Hapunan, kinagabihan...

"Ong lutong noman netong pagkoka perito mo ng manok, krisping-kripi," tuwang-tuwang namumuwalan ang lasing na si Tiyo Karyo habang kumakain.

"Bokit hindi kopa sumobay kumain?" alok nito sakin.

"Mamaya na ho ako tsong, katatapos ko lang magkape," ang nakangisi kong sagot sa walang hiya kong padrastro habang sarap na sarap siya sa piniritong dagang-bahay na dala ni Muning kanina. :/

-end

No comments:

Post a Comment