kailan ba titila
o muli bang bubuhos?
ang hirap na dinaranas
kailan ba matatapos?
walang pasok sa iskwela
dahil basa ang pisara
naudlot na naman tuloy
pag-aaral ni utoy at nena
kanya-kanyang katwiran
kanya-kanyang dahilan
kanya-kanyang diskarte
kanya-kanyang turuan
kailan ba huhupa
o may panibago bang dadating?
sugatan na sa alipunga
ang mga paa namin!
nagmahal ang mga bilihin
dahil lubog ang palengke
nabawasan na tuloy
ang savings ni kumpare
dahil lumubog ang pananim
nagmahal din ang gulay
nabuksan na tuloy
ang alkansya ni Inay
kanya-kanyang paraan
kanya-kanyang sisihan
kanya-kanyang bigayan
kanya-kanyang damayan
kailan ba hihina
o muli bang lalakas?
sa hirap na dinadanas
kailan makakatakas?
No comments:
Post a Comment