Pinkish

Lately bukod sa karaniwang pagkuha ng larawan ng mga bagay-bagay na ipinatong sa lamesa o ibinilad sa ilalim ng araw o ng mga tao na ginagawa naming subject sa klase, medyo nag-eenjoy akong kumuha ng mga larawan at mga pangyayari sa lansangan, Street Photography ba?

Nagbasa ako ng blog, kaunting research, tumingin sa kuha ng iba na kumukuha din sa kalye, nag join sa mga mga FB group ng Street Photog... pero ang napansin ko lang, katulad din noong conventional photography na nakasanayan na nating makita at gawain, sa huli ay di-depende parin sa audience kung magagandahan o babalewalain lang ang mga larawan na kanilang tinitingnan at nakikita, subjective kung baga. May mga taong mapapa "wow" sa isang kuha mo at mayroon namang deadma lang, at kung minsan yung sa tingin mong walang kwentang litrato, sobrang maa-appreciate naman ng iba. Alam nyo 'yon? Parang sa tao lang, na ang ganda ay nasa tumitingin.






Katulad na lamang ng kuha kong ito.
na hindi pumasa sa panlasa ng ilang kritiko at henyo sa street photog sa isang FB group wala daw makitang nangyayari sa loob ng frame. At kahit nga yung ibang klasmeyt ko sa photog at ibang kakilala ay nagtaas ng kilay, pa-atras na daw ba ang nalalaman ko sa photography at bakit ko ito kinuhanan at ipinost sa FB?

Para na aliw lang naman ako sa  kulay PULAng pedestrian sign na naka-terno ng kulay PULAng suot noong mga babae sa itaas na masasakit ang puson. Na kakulay naman noong kulay PULAng sirang payong ni ate. At nagkataon naman na kulay PULA pa ang ilaw ng stop light kaya nakuhanan ko ito habang nakahinto ang sinasakyan ko.

Pula kaya ang paborito kong kulay... kaya nga PINK ang pangalan ng anak ko eh. ( :


Teka nabanggit ko naba na kulay PULA din ang wallet ni ate?

No comments:

Post a Comment