yosi


Hithit buga, hithit buga
Ano ba ang iyong napapala?
Kung  hindi ang ubuhin ka
At masira ang iyong baga.

Hithit buga, hithit buga
Kailan ka ba magsasawa?
Kung ikaw ba ay may sakit na,
At nahihirapan sa paghinga?

Usok doon, usok dito
  Pa’no mo ba matatanto?
Na walang maidudulot na mabuti,
ang paghithit mo ng sigarilyo?

Patay, sindi, hithit uli
Sinasayang lang ang salapi
Gumagastos ka ng pera
Upang buhay mo ay madali

Patay sindi’t hithit buga
Anong magandang halimbawa,
Ang iyong maipapakita,
Sa anak mo’t ibang bata?

Usok dito, usok diyan
Nadadamay pa ang ilan
Na nag-iingat magka sakit
Pero ika’y walang paki alam

Usok, sigarilyo’t yosi
Kahit ano pang itaguri
Walang maidudulot na mabuti
 Sa kapaligaran man o sarili.


No comments:

Post a Comment