hangober

Talab parin ang alak na nilaklak kagabi
Maasim ang sikmura at hindi mapakali
Umiikot ang paligid at parang natatae
Tinatanggal na pilit sa matapang na kape

Naipulutan ko pa nga babaunin kong ulam
Ngayon ay ngumunguya’t nagtitiyaga sa bubble gum
At pipiliting hindi isuka ang laman ng aking tiyan
Kahit nahihilo o naduduwal dahil sayang naman

Di ko na maalala kung nakailang bote
o kung ano-ano ang aking pinagsasasabi
Basta’t alam ko lang kahit papano’y hapi
Kahit ngayong ang sakit na ulo ko ay sobra ang tindi

Amoy parin ang alkohol sa aking hininga
Maging sa’king pawis ito’y sumasama
Di kinaya ng ligo, toothbrush ay di umubra
Iba talaga ang lakas at tapang ng tinoma

Sa hirap na dinaranas ng dahil sa puyatan
maghapong parusa ang magdamag na tomaan
ngunit kung tatanungin, kung muli bang susubukan
di na magdadalawang isip, aba’y syempre naman

No comments:

Post a Comment