Malalim ang iniisip at bubulong-bulong sa sarili.
“Kung hindi ko lang sana ginawa ýon, 'di sana nagka-ganito”(tsk—tsk—tsk-)
“Dapat kasi hindi ito... Dapat yung una kong plano ang sinubok ko.”(sayang)
“Papaano pa?”
“Papaano na?”
“Kahit sino siguro ang nasa katayuan koý wala ng maiisip na iba pang paraan para malunasan ang ganitong klaseng sitwasyon at problema,” (don’t give up)
“Bahala na, kailangang kumilos. . . Bago pa maubos ang oras ko at maging huli ang lahat.” (alert)
“Pero sandali . . . mukhang kahit na anong gawin koý, parang lalo lang madaragdagan at lalaki ang problema.” (useless)
“Kailangan na talaga sigurong magsakripisyo para maka-iwas sa mas malalang sitwasyon,”
“Ngunit papaano nga? Kailangan pa bang magka-ganito, kailangan pa bang humantong sa ganitong kalagayan?” (esep-esep)
“Nasisiraan na yata ako ng ulo, kanina ko pa kausap ang sarili ko.” (sayad)
---- “Brod, ano nangyayari sa iyo? Kanina kapa bulong ng bulong diyan?” ------(concern)
“Ha ah, eh. . . wala, may iniisip lang ako.” (palusot)
---- “Nag-iisip o nagdarasal?” ------- (nambuska pa)
“Pare, pwede ba? hayaan mo akong makapag isip. . .” (kunot na ang noo)
---- “Ito tinatanong lang. . . sungit mo naman” ------
“Ang ingay mo kasi hindi ako makapag concentrate!”
---- “Anong concentrate? Ang lagay na’yon ay hindi kapa nakakapag concentrate?” ----
Nahinto ang pagtatalo ng dalawa . . .
“Dyaske kang bata ka, kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala!” (patay ka ngayon)
Hinawakan ng ina ang kanyang patilya at gigil na hinila paitaas. . . dahil sa sakit ay napasunod ito at napatayo sa kanyang kinauupuan.
“Araaaaay, aray-araaaayyy, Nay naman masakit!”
“Anong masakit mas lalo kang masasaktan kapag ang tatay mo pa ang sumundo sa iyo dito! Iniwanan mo yung pintong bukas, ayon nagpasukan lahat ng bibe duon sa loob ng bahay at nagkalat ng tae duon sa sala”
“Isinara ko po iyon.”
“Anong isinara, halika at tingnan mo.”
Papaalis na sana silang mag ina, nang humabol at mag tanong ang kanyang kabarkada.
--- “Teka- teka. Pare, tira mo.” ----
Bago pa nasundan ang usapan nilang magkabarkada ay dali-dali na siyang hinila ng kanyang ina papalayo.
“Maka ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wala kang mapapala diyan sa paglalaro ng chess! Lalo kalang mabobobo”
“Inay naman”.
No comments:
Post a Comment