sa huli


sa loob...
nakapikit ang aking mga mata
habang nakikinig na nakahiga
sa mabagal at malungkot na musika

sa labas...
mga garalgal na tinig at iyakan
habang lumalakad na marahan
kasunod nang isang itim na sasakyan

ang lulan...
isang kulay tsokolateng kahon
mga bulaklak at mga dahon
kandila at mga ala-alang pabaon

dapit-hapon...
nang sapitin namin ang pakay
isang pook na maraming bahay
sementadong parihaba at mga hukay

malungkot...
habang sila sa akin ay nakatanaw
umugong ang malalakas na palahaw
tinatawag ang pangalan ko't palayaw

sa huli...
ipinasok ang aking higaan
sa magsisilbing bagong tahanan
kung saan di ko na mararanasan
ang lungkot at kabiguan

ang aking libing...