Utot nga lang ba?


Pipiliting itago ang tunay nadarama,  
Sisikapin kong ito'y di mo mahalata,
Sapagkat ako'y takot, na iyong matanto,
Kayat ako'y lilisan, pipiliing lumayo.

Matagal na rin naman ang aking pagdurusa,
Kinimkim, sinarili at inilihim sa iba,
Mahirap, masakit parang hindi na kaya,
Kaya dinadaan na lamang sa buntong hininga.

Labas nasa katawan ang malamig na pawis
Dahil sa paghihirap na aking tinitiis,
Sikip man ang dibdib, itatago paring pilit,
Ang aking nadaramang puno ng hinagpis.

Pawisang-pawisan, tatakbo at hihinto,
Habol ang hininga, tatayo at uupo,
Pipikit ang mata, at bubulong ng " Diyos ko",
Sana po sa kubeta ay umabot ako.

Utot nga lang ba? O mayroon pang iba?
Hindi ko rin alam, kung meron ng kasama,
Ako'y nangagnamba at labis ang takot,
Baka may kasama na, ang aking pag-utot.
 

No comments:

Post a Comment