Anak ng Paksiw


ang tula kong ito ay isinali ko at nagwagi ng
"Gawad Makata ng Edukasyon 2012"
patimpalak ng
Mga tula at kwento: Bahaghari ng
Kaisipan
Paka linising mabuti ang nabiling isda,
Maging ito’y bangus, tulingan o tilapya
Tanggalin ang bituka, pati apdo’y isama
Gayon din ang hasang ng lansa ay mawala

Ihanda na ang suka, na saksakan ng asim.
Maghanda rin ng sili, konting betsin at asin.
Mag balat ng luya at saka hiwain,
O ‘di kaya’y hugasan at saka dikdikin.

May mga tao, na gusto ay may iba
Naglalagay ng talong o kaya’y ampalaya,
Masarap din naman, ayos din ang lasa
At kung isasahog, dagdag pa sa sustansiya.

Ilagay sa palayok ang malinis na isda,
Ihulog din ang luya, talong at ampalaya,
Lagyan konting tubig at ibuhos ang suka
Budburan konting asin at betsing pampalasa.

H’wag kaliligtaan ang pamaksiw na sili
Na sabi ng iba’y “masarap kulay berde”
Takpan na ang palayok at isarang mabuti,
Isalang sa kalan at sa apoy ay idaiti.

Maghihintay lamang, mga ilang minuto
Huwag maiinip, sandali lang maluto
Takip ‘wag bubuksan, hintaying kumulo
Para suka’y di mahilaw at maluto ng husto

Kung labinlimang minuto ay umabot na
Silipin ang palayok at titigan ang isda
Kapag mata nito’y puti o labas na
Pwede ng patakan ng konting mantika

Muli pong pakuluan mga ilang sandali
Tapos ihain na may kasamang ngiti
Mag ingat sa pagkain at baka nyo madali
Yung tinik ng isda o yung sinama nyong sili.

Toink


I show this photo to my three year old daughter after editing and i ask her what is this, she gave me a grin and said . . . " toink, toink, toink..."

Tsope!

Bakit ba hindi maamin ang tunay na damdamin
At hindi ko masabi na ikaw ay itinatangi ko, dito sa puso ko
Bakit ba naduduwag at hindi maihayag, na ikaw lang palagi
Sa buhay ko’y nag mamay-ari, at maging ang isipan, ay ikaw lang ang nilalaman

Gusto kita
Hindi mo ba nakikita?
Gusto kita
Hindi mo ba nadarama?

Sana ay malaman mong sa isip ko’y walang iba
Sana ay maramdaman na . . . Itinatangi kita. . .

Bakit ba walang masabi sa tuwing tayo’y magtatabi
At hindi maka imik sa tuwing tayo’y maglalapit,
Ngunit sa tuwing iidlip ay laman ng bawat kong panaginip. . .
Gusto kita, sana ay ‘yong madama . . .
Gusto kota sana ay ‘yong Makita . . .
Gusto kita.

Sana ay malaman mong sa puso ko’y walang iba. . .
Sana ay maramdaman na . . . iniibig kita.

(kanta 'to... ginawa ko noon pang year 2000, ngayon lang ako nagka interest na i-publish)