Ang larawang ito ay isa sa dalawang disenyong isinali ko sa munting pakulo ng aking mga batchmates para sa kauna-unahang reunion ng aming highschool batch...after 15 years.
Ang MHPHS o Marcelo H. Del Pilar High School ay isa sa pinakamalaking iskuwelahan pang sekondarya sa Central Luzon, natatandaan ko noong ako'y 4th year ang section ay section A and B plus section 1 to 31 madami din talaga... ipagpalagay na sa bawat section ay mag average na 50 student, ibig sabihin almost 1,700 kaming nagsipagtapos noong 1994... kaya pala pasado alas 12:00 na ng hatinggabi kami naka uwi.
Sarap sariwain ang mga bagay-bagay na pinagdaanan natin noong high school, JS Prom (pero dahil marami nga kami kaya S-prom lang ang sa amin), Intrams, Foundation week at siyempre di mawawala pag intrams at foundation week ang marraige booth, blind date booth at kung ano-ano pang booth na tiyak namang nagpakilig sa mga estudyante. Iba talaga ang high school life andiyan ang first crush, first love?, first kiss? first time....?, mga unang tikim ng mga bisyo alak, sugal (cara y cruz, digit/hula sa pera, video karera), sigarilyo at pag minalas-malas ang mga nagpapa-aral sa high school time din ang unag kupit, dagdag ng presyo sa project para may pampanood ng sine, pang date, 1st time din mamulat sa porn movies at magbasa ng xerex at mga istoryang may temang kamunduhan..dami pang iba,
oy, pero diko lahat ginawa iyan..
slight lang.
Sensya na nagkukwento lang..
* ang larawan sa itaas ay ako ang nagdisenyo, ngunit nais ko pong ipabatid sa mga mamababasa (meron ba?) na may mga elemento at mga ilang larawan na nakasama sa disenyo na hindi ko personal na pag mamayari at akin lang kinuha sa world wide web...
sarap bumalik sa highschool..favorite ko ang foundation day..yung mga nabanggit mo alam ko lahat yan ginawa mo haha chos!
ReplyDeleteat isa pang nakakamiss ang mga love letter sa mga nililigawan natin.wala pa ksi cellphone noon :)
ReplyDeletenakarelate ako buddy sa cara ycruz,nagganyan ako dati at lucky 9 gamit ang libro,pabuklat buklat,ganun :)
musta?
boss: medyo busy at madalang maka update,
Deletekaya yung mga lumang larawan nalang ang binibigyan ng konting istorya..
oo nasubukan ko din yang lucky 9 sa libro..pero we called it adding
Ayus lang yon part of growing up naman lahat kahit ako guilty sa ilan sa mga nabanggit mo pards :) musta ang Ramadan?
ReplyDeleteMaraming karanasan si Kuya Mel. Kaya pala hinog! pak! Naalala ko rin high school ko kaloka.
ReplyDeleteBatch 94 ka pala Kuya! Now i know.
ReplyDelete