Ambon

Light Painting: it is one of our photography class activity, i set my camera to the lowest ISO  w/ a very slow shutter speed and shoot several times towards a xmas lights & this is one of the image i captured .
I called the image "Ambon lang iyan" as it looks like a cloud with a light rain.





Sa pagtigil ng pagpatak ng ulan,
Huminto ka rin kaya sa pag hikbi at tumahan?
Maampat din kaya ang iyong luha sa pag-agos,
Kung titigil ang ulan sa pagbuhos?

Ang bagyo at pag-sama ng panahon.
O mga pagsubok sa buhay mo't mga hamon,
ay pinagdaraan din ng kahit na sino,
maging dukha't mayaman, mangmang man o matalino.

Huwag padadaig, huwag patatalo
sa simpleng ulan o malakas na bagyo,
Dahil malalampasan ano mang uri ng unos,
samahan lang ng pananalangin at  pananalig sa Diyos.

Sa pagtila ng ulan, at pagsikat ng araw
ay umasang may bagong ligayang matatanaw
Maging matatag sa bawat pagdaraanan
at laging iisiping ambon lang 'yan.


3 comments:

  1. KELANGAN ko yata magpaturo sayo in terms of photography ;)

    ReplyDelete
  2. nag aaral palang din, boss
    ok din ang mga pic mo sa iyong blog,
    but i guess there something wrong with your page, kasi pag nag visit ako nare-redirect ako sa ibang, page.

    ReplyDelete
  3. Ayus a pagaling na talaga ng pagaling kumodak! I also like the poem, so positive, ipagpatuloy!

    ReplyDelete