para kay "INA"

 isang tula para sa aming lola -photo :
Landmark Hotel Ajman
April 26, 2012



Wala nang mga bagay pang maisusulat
Alin mang diksyunaryo’y di sasapat
Kung iisa-isahin at ilalahad pang lahat
Katangian nang nag-iisa naming alamat


Kapos ang mga salita para sa iyo
Lampas langit, di magkakasya sa mundo
Ang pag-ibig, mga papuri at respeto
‘Di lang ng kaibigan, maging ng ibang tao

Mga  buhay ay sadyang nag kulang
Mula nang ikaw sa amin ay lumisan
Balikat na sa tuwina’y siyang sandigan
Sa aming pighati at mga kalungkutan

Hindi man tayo muling magkita
O mayakap ka at muling makasama
Dalangin namin na ika’y mapayapa
Sa langit, sa piling ng ating manlilikha.

5 comments:

  1. mukang may pinaghugutan ang tulang ito, ganda

    ReplyDelete
  2. ganda po...namiss ko tuloy ang lola ko...hmm..

    ReplyDelete
  3. naalala ko rin lola ko dito.
    kakamatay din lang nya ng april 24

    ReplyDelete
  4. nakakabagbag damdamin naman nito...mapapatunayan talagang mahal na mahal mo ang iyong Ina....

    ReplyDelete