Pulutan


"Pre tagal mo naman, mauubos na itong iniinom natin!"

"Oo nga brad nangagalahati na itong kwatro, ano ba iyang niluluto mo matagal pa ba iyan?"


"Kaunti nalang maluluto na itong papaitan." Sagot ni Kardo sa mga atat na atat na kainuman.

"Ayos brad, papaitan kaya pala medyo natagalan pinapalambot pa sigurong mabuti," bulong ni Elyong sa kabarkadang si Lukas.

"Puta matagal-tagal na akong hindi nakakahigop nang sabaw ng papaitan, tiyak na rarayumahin nanaman ako nire," sagot pabulong din ni Lukas at saka sumigaw.."Brad, dagdagan mo nang kaunting apdo masarap iyong medyo mapait!"

""Wag kang mag-alala alam ni pareng Kardo iyan, matagal tumira sa Ilocos iyan bago napadpad dito, siguradong natutunan niya doon kung paano magluto nang masarap na papaitan."

"Ahh ganon ba brad, teka kukuha lang ako ng kutsara para panghigop sa mainit na sabaw."

Mga ilang minuto ang lumipas.
Inilapag na ni Kardo ang isang mangkok na may takip sa harapan nang dalawa

"P're dahan-dahan lang baka tumapon ang sabaw."

"ANO 'TO?" halos sabay tanong nang dalawa nang makita ang nasa loob ng mangkok.

Binalot nang katahimikan ang paligid.
Matagal na walang naging imikan sa harapan nang tatlo. Hanggang sa halos maubos na ang iniinom.

"Ang cho-choosy n'yo, tag-kinse lang ang patak n'yo, naghahanap pa kayo ng masarap na pulutan... MAPAIT din naman iyang ginisang ampalaya ah."

"Tangna, bumili pa naman ako ng kalamansi... buwiset."
Bulong ni Lukas sa sarili.


Mula noon ay umiwas na si Lukas sa kabarkadang si Kardo.
SI Elyong naman dahil hindi maka move-on ay tuluyan nang hindi nakapagsalita...