Anak ng Paksiw


ang tula kong ito ay isinali ko at nagwagi ng
"Gawad Makata ng Edukasyon 2012"
patimpalak ng
Mga tula at kwento: Bahaghari ng
Kaisipan
Paka linising mabuti ang nabiling isda,
Maging ito’y bangus, tulingan o tilapya
Tanggalin ang bituka, pati apdo’y isama
Gayon din ang hasang ng lansa ay mawala

Ihanda na ang suka, na saksakan ng asim.
Maghanda rin ng sili, konting betsin at asin.
Mag balat ng luya at saka hiwain,
O ‘di kaya’y hugasan at saka dikdikin.

May mga tao, na gusto ay may iba
Naglalagay ng talong o kaya’y ampalaya,
Masarap din naman, ayos din ang lasa
At kung isasahog, dagdag pa sa sustansiya.

Ilagay sa palayok ang malinis na isda,
Ihulog din ang luya, talong at ampalaya,
Lagyan konting tubig at ibuhos ang suka
Budburan konting asin at betsing pampalasa.

H’wag kaliligtaan ang pamaksiw na sili
Na sabi ng iba’y “masarap kulay berde”
Takpan na ang palayok at isarang mabuti,
Isalang sa kalan at sa apoy ay idaiti.

Maghihintay lamang, mga ilang minuto
Huwag maiinip, sandali lang maluto
Takip ‘wag bubuksan, hintaying kumulo
Para suka’y di mahilaw at maluto ng husto

Kung labinlimang minuto ay umabot na
Silipin ang palayok at titigan ang isda
Kapag mata nito’y puti o labas na
Pwede ng patakan ng konting mantika

Muli pong pakuluan mga ilang sandali
Tapos ihain na may kasamang ngiti
Mag ingat sa pagkain at baka nyo madali
Yung tinik ng isda o yung sinama nyong sili.

3 comments:

  1. narito ang URL ng iyong badge.Pakilagay na lang po sa isang bagong tab(larawan)---mula sa web

    http://2.bp.blogspot.com/-eHsdsrQCUnE/T4wMfyMAnrI/AAAAAAAAAPQ/Y8G35ER75LI/s1600/12.JPG

    pasensya na at aking nakaligtaan...

    ReplyDelete