Gamit na, gamit na!
Ang kotseng walang pahinga.
Gamit ko ang lumang kotse ng nanay ko na mahigit sampung taon niyang ginamit. . .
At kahit na sumasakit ang katawan ko sa pagliko at pagpihit ng manibela dahil hindi ito power steering,
pinagtitiyagaan ko.
Tinitiis ko at dinadaan na lamang sa ngiti ang mapahiya at mabingi sa nakakairitang busina ng aking mga kasunod kapag ka minamaneho ko ang lumang kotse dahil sa hirap na itong humatak,
lalu na't sa mga ahuning tulay at kalsada.
Dinadaan ko nalamang sa dasal ang pangambang nararamdaman, dahil baka ako masiraan sa daan kapag malayo ang aking pupuntahan.
Magku-krus bago umalis at bubulong ng sana ako'y makarating ng maayos sa aking paroroonan.
Pinagtitiyagan ko't pinagtitiisan at sinasamahan ng dasal.
Kahit na panay pangungutya at pintas ang inaabot ko sa
mga nakakakita
lalo na sa anak ng aking amo.
Ayaw kong kumuha ng bago
o modelong hulugan.
Dahil, ayaw kong magka utang
eto ngalang lumang kotse ng nanay ko ay hindi ko pa nababayaran.
Tiis lang,
ganyan talaga ang buhay.
Dapat maging kontento kung ano man ang meron ka
at ano man ang kaya mo.
Saka nalang kukuha ng bago, kapag ka
Naka ipon na ako...
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Pamilyang Bingi
Sa isang ilang na gubat ay mayroong naligaw
Isang lalaking, nangangaso at uhaw na uhaw
Sa kanyang paglalakad ay mayroong natanaw
Isang munting kubo na yari sa anahaw
Lumabas sa bahay kubo ang isang dalaga
Ang ligaw na lalaki ay agad na nagwika
“Pwede bang maki inom", ang sabi ng binata
Tumugon ang babae, muling pumasok sa dampa.
“Inang- inang sa labas po ay may tao.”
Ang sinabi ng babae sa nanay nito.
“Siya raw po ata inang ay sadyang interesado
Kaya’t kanyang babayaran ang baboy ninyo”.
Nagulat ang ina, sa tinuran ng dalaga.
Sumigaw ng malakas at galit na nag wika
“Ikaw na babae ka, ikaw ay humanda,
Pagdating ng yung ama tiyak na magwawala”.
“Iyan daw anak mo ay mag aasawa na”.
Ang sabi ng ina sa dumating na asawa
Nagulat ang ama sa narinig na balita.
Ihinagis ang buslo na may lamang isda.
“Bakit ganyan kayo mga walang kasiyahan”.
Ang sigaw ng ama na lubhang pawisan
“Ako’y sobrang pagod sa haba ng nilakaran
Tapos sasabihin ninyong ako ay batugan”.
Sa labas ng bahay kubo ang uhaw na lalaki
Ay agad na umalis at mabilis na sumalisi
Sa sobra niyang takot ay di napakali
Dahil sa pag aaway ng pamilyang bingi.
Butones
Bata palang ako ng matuto akong magsulsi, palibhasa’y isa sa naging hanap-buhay ng aking nanay ay ang pananahi, kung kaya’t kahit lalaki ay nagka-interes at natutunan ko din ang magsulsi. Isa sa una kong pinagka-kitaan mula sa sariling pagod ang paglalagay ng butones sa mga yaring siyorts (salawal).
Umiedad anim o pitong taon ako noon, kapag nakakatanggap si nanay ng tahiiin mula sa kanyang pinaglilingkurang patahian ay tinutulungan ko siyang maglagay ng butones. Hindi ko na matandaan kung magkano ang upa sa akin, basta’t ang malinaw sa isip ko ay tatlong piso at singkuwenta sentimo ang ibinigay sa akin ni nanay ng matapos ko ang tatlong dosenang salawal na pambabae. Mula noon tuwing tatanggap ng tahi si nanay ay palagi ko siyang tinatanong kung mayroon siyang pabubutonesan sa akin.
Nawalan lang ako ng ganang magbutones ng malaman ng kalaro ko at ilang ka klase na tumutulong ako kay nanay sa pananahi, naging daan kasi iyon upang ako’y pagtawanan at tawaging bakla. Dahil sabi nila ang mga babae lang ang dapat nanahi at hindi ang mga lalaki.
Hindi naman nagalit si nanay ng sabihin ko sa kanya, naunawaan niya ako, at ang pagiging bata ko. Hindi niya narin ako pinilit at hiniling tulungan siya sa pagbubutones.
Ngunit may isang pagkakataon na napakaraming tanggap na tahi ni nanay na kailangan niyang matapos ng madali, yun yung tintawag nilang rush. Kahit na may karamihan at madaliang tahi ay hindi humingi ng tulong si nanay sa akin, kahit na siya’y may dinaramdam ubo’t sipon at may kataasan ang lagnat. Siguro’y dala narin ng ilang magdamagang pagpupuyat upang umabot sa dedlayn ang kanyang tinatahi. Makakatulugan namin siyang nananahi at makakagisnang nagbubutones.
Araw ng biyernes, huling gabi para sa dalawampung dosenang rush na tahi ng uubo-ubo kong nanay, mag aalas-diyes na hindi pa siya tumatayo sa kanyang makina, hindi na siya maistorbo, hindi na nga siya nakakain at naka panood noong paborito niyang dulang pangtelibisyon. Wala parin ang aking tatay, nag overtime din sa pabrikang kanyang pinapasukan.
Nakatulog kaming magkapatid, na wala pa ang aming tatay, si nanay naman ay sadyang kinarir na ang pananahi, pipikit didilat ko ang aking mata’y pulos tunog nalang ng makinang di padyak ang naririnig ko mula sa sa ibaba ng aming bahay sa kinaroroonan niya…
Mga ilang oras ang lumipas ng makaramadam ako ng panunubig, tahimik na ang paligid, lumingap ako ngunit wala parin sa aming higaan ang aming ama’t ina. Bumangon ako upang pumunta sa aming banyo na nasa ibabang bahay, pababa ako ng hagdanan ng makita ko ang aking nanay na nakadukdok sa kanyang makinang panahi, marahil ay nakatulog siya sa sobrang pagod at puyat.
Napansin kong hindi pa tapos si nanay sa pagbubutones ng kanyang mga tahi na kailangan niyang matapos bago mag alas siyete ng umaga, nilingap ko ang orasan alas onse e-medya na, pagkatapos kong umihi ay kinuha ko ang sinulid at karayom, at sinimulang magbutones.
Hindi ko na ginising si nanay sa kanyang pagkaka dukdok sa makinang panahi, gusto kong tapusin ang mahigit anim na dosenang tahi na dapat butonesan, gusto ko siyang sorpresahin, upang matuwa siya akin.
Lumipas ang kalahating oras at halos matatapos ko na ang isang dosena ng bigla akong antukin, tinungo ko ang banyo at ako’y nag hilamos at nagtimpla ng matapang na kape upang panlaban sa antok.
Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagbubutones, natapos ko ang isang dosena, at sinisimulan na ang pangalawa, napapapikit na ang aking mga mata, walang epekto ang matapang na kape sapagkat patuloy parin akong inaantok. Natingin ako kay nanay at sinampal-sampal ko ang aking sarili upang magising at malabanan ang antok, itinuloy ko ang paglalagay ng butones ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay diko na napigil ang tuluyang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.
Hanggang sa ako’y nakatulog.
Naalimpungatan ako sa aking pagkaka-idlip, dahil sa mga tilaok ng manok. Agad akong lumingap sa puwesto ng aking nanay, ngunit patuloy parin siyang natutulog.
Muntik nakong mapasigaw ng may nakita akong malaking mamang naka-upo sa aking gawing kanan at ako’y mabilis na napatayo.
Ang brusko ko palang tatay ang aking nakita at siya ang nag patuloy sa pagbubutones.
“Magtimpla ka ng kape at matatapos na ito, samahan mo tulo’y akong maghatid doon sa patahian”.

Subscribe to:
Posts (Atom)