04/23/2000

Hindi ako masyadong romantikong tao, 'yun bang tipong sakto lang...
pero dahil kaarawan nang isa sa pinaka mahalagang nilalang sa aking mundo, ay nais kong ibahagi sa inyo ang isang lableter na ginawa ko para sa kanya, noong magdiwang siya ng kaniyang ika-labing walong taong kaarawan (debu) labing dalawang taon na ang nakakaraan, (ilang gabi kaming napuyat kakahanap ng hinayupak na lableter na'to, pag pasensiyahan n'yo na kung medyo barok ang ilang ingles, nagpapaka trying hard pa ako noong mga panahon na'yon.)


-042300

Dear Charo/ ate Helen/ tita Mel Tiangco/ Joe d' mango/ Mr. Kupido/ dear-te (madumi daw sabi ni Anabil)

Hi, actually i don't know how to greet you, co'z i know that everybody beside you will greet you a happy b-day, advance or even belated, saan ang blow out? Many of them will wish you to finish your study, 'yung iba sasabihin uy dalaga na s'ya, sana 'wag ka munang mag-aasawa mahirap ang buhay... others may say you're not a child anymore so act like a matured woman o sana maging mature kana (para magising ka at iwanan ako) all of them have the same message and wishes for you. Sana di ka magkasakit, maging maligaya ka sana, puro ganoon lang di ba?

So they have already said what i wanted to say and wish what i wanted to wish, wala na akong maisip na paraan para batiin ka, kaya i will thank you nalang for being such a good and nice person.

Salamat sa mga panahong inaksaya mo para sa akin at oras na magkasama tayo na pinaligaya mo ako (o 'wag kayong berde bata pa kami noon) at nainis, pero o.k. lang, basta I'm very thankful kasi dumating ka sa buhay ko... i can't imagine how miserable my life would be kung di kita nakasama, kasi noon parang may kulang , "there's something missing" but since the time that we become close nakuntento na ako. Alam  mo dati, ayos lang sa akin kung di kita makita , pero ngayon iba na hindi buo ang araw ko pag hindi kita nakasama o nakausap. Ewan ko ba kung bakit ( IKAW BA ALAM MO?)...

Basta ang alam ko lang i was spending so many sleepless night thinking of you and the happy time that we spent together.

O pa'no? thank you nalang ulit for MAKING MY LIFE COMPLETE,
o sige na nga babatiin na kita....

Happy New Year!

(end)

baduy ba?
jologs ba?
korni ba?

Ok lang kahit ano pang itawag n'yo o ano pang ma feel n'yo... basta ako masaya kasi after 12 long years eh, buhay pa itong sulat na 'to, at isa sa mga naging paraan para ma-uto ko siya, kaya asawa ko na siya ngayon.

3 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. ey!!! Hindi kailangan maging romantiko..ang kailangan lang lagi kang totoo...parang mama at papa ko..sana sa love story ko in the near future..may ganito din akong maisususlat sa blog ko..hehehe-(Asa..)Keep posting!

    ReplyDelete
  3. a hindi naman, more of in love! congrats sa 12 yrs ng matamis na pag-iibigan :)

    ReplyDelete