Tanglaw

photo: Ras Al Kaimah Haunted Village June 29 2012

ilaw
na nagbibigay tanglaw
sa gabi't madaling araw
kandila man o de-gaas
liwanag mo'y wagas
sa ibaba man o itaas
isabit o ilagay
kaliwanagan mong taglay
ay siyang gumagabay
sa madilim na landas
na tatahakin nino man
bata't matanda
de-kuryente man o baterya
sulo o gasera
at kahit ano pa ang itawag nila
Ilaw,
tanglaw
kahalili ng araw
upang aming matanaw
ang daang nilalakaran
sa dilim ng gabi
maging malalim man o mababaw
ikaw
ang kailangan
kung pundido na ang araw.

6 comments:

  1. Pwedeng lapatan ng melody. Astig!

    ReplyDelete
  2. Pwedeng lapatan ng melody. Astig Kuya!

    ReplyDelete
  3. Astig Kuya. Pwedeng lapatan ng melody.

    ReplyDelete
  4. sana may nabibili ding ilaw para sa madidilim na isipan...

    ReplyDelete
  5. Galing ng title.malalim

    ReplyDelete