Plastik

Marami ang sa iyo ay nahuhulog, na aakit
Pisngi mong mapupula at labi mong marikit
Lahat sayo’y babagay kahit anong baro’t damit
Mahaba man o maikli, may burloloy at lawit-lawit

Katawan mong perpekto ang hubog at anyo
Mahaba mong binting walang pilat kahit ano
Mukhang parang anghel na wari ba ay magneto
Humihigop at humihila sa aming buong pagkatao

Balat mong mala porcelana ang kulay sa kaputian
Hindi mababanaag ano mang bakas ng kahirapan
Buhok mong alon-along, kulay gintong nakalugay
Kahit ano pa ang ilagay mo ay tiyak din na babagay

Sa mapungay mong mata, at matamis na ngiti
Ay kay daming nahuhumaling at naba-batobalani
Di mabilang na lalake ang lubos kang itinatangi
Nalimot naba nilang, “plastik ka lang Barbie?”

*di ko alam ang pangalan ng babae sa larawan
pero isa siya sa nagmodelo para sa aming practice shoot
June 29, 2012 sa Ras Al Kaimaha  UAE

5 comments:

  1. Kuya Mary Ann Santos ang pangalan ng babae. Winner ang tula!

    ReplyDelete
  2. Sabi ng aming maestra sa Photography...
    Ms. Mary Ann Santos daw ang pangalan ng modelong
    kilala sa pangalang Mean (yata)

    ReplyDelete
  3. Mukhang kinakarir na talaga ang photography a ayus!

    ReplyDelete
  4. galing nyo naman .....

    ReplyDelete
  5. Nice one sir mel

    ReplyDelete