Ang Tasa


Ang tasa
para sa kape at tsaa
pwede din sa mga juice
o malamig na coca-cola

Sa salabat na mainit
sa gamut na mapait
o sabaw ng tinola
at lugaw kong favorite

Mukhang naka pamewang
kala mo’y pang mayaman
Ngunit mga tambay sa kanto
kung minsan ding tagayan

Gamit sa pagdi-dyeta 
upang sa rice hindi sumobra
pantakal din ng negosyante
at pansukat ng kusinera

Para sa mga dukha’t mga alta sa syudad
at kahit pa musmos o matanda’t ma-edad
pwede sa mga pulitiko
o kahit sa bumoboto
walang pinipili
walang sinisino… ang tasa

2 comments:

  1. ang tasa at pantasa :)

    kumusta sir?hapi puso! :)

    ReplyDelete
  2. same sayo hapi puso,
    bitin ang aking post di ko pa nailagay ang
    aking tula.. nakatulugan

    ReplyDelete