Nag-iinit kana ba?


isa sa mga ipinasa kong larawan sa aming photography class activity: kuha ito sa kahabaan ng Shaikh Mohammad Bin Zayed Road (Emirates Road : old name) Sharjah/Ajman UAE

Gagawa sana ako ng isang sulatin
Patungkol sa ating haring araw
Maikling istorya na pwedeng basahin
o isang awit na pwedeng isayaw

May nagrereklamo kasi sa hatid nyang init
malagkit daw na pawis at bungang araw
sun burn, rashes o hadhad sa singit
at putok sa kilikiling umaalingasaw

Ngawit na ang kamay sa ka papaypay
agihap sa labi, sa nguso’y may singaw
mahapdi na ang balat at tuyo na ang laway
marami na rin nag-aamoy bakulaw

Ngayong nagdurusa sa labis na init
napapa iling nalang sa lupit daw ng araw
Panay ang sipol upang hangi’y umihip
bakit di subukang kayo’y magbalik tanaw

Pumutol ng pumutol noon ng kahoy sa gubat
Tirahan ng mga hayop ay ating ginalaw
Kinuha ang troso, sa bundok nagmina’t
ginawang negosyo, sa pera’y nasilaw

Nagtayo ng bahay, at subdibisyon
Ang mga mayayaman at mga buwakaw
Binalewala ang susunod na henerasyon
masunod lamang kanilang kapritso’t layaw

Usok ng sasakyan at mga pabrika
ay dahilan din ng matinding uhaw
Mabuti pa noon sa bukid na walang makina
ang transportasyon nati’y kabayo’t kalabaw
 
Ngayon, ay dapat nga ba nating sisihin
ang siyang nagsisilbi nating tanglaw
hindi ba’t kasalanan din naman natin
Kung ba’t sobrang umiinit sa mundong ibabaw?

inspired by DONG ABAY's 
Tawagin mo ang hangin o kaya ang ulan o gumawa ng paraan para malamigan. 
Huwag na huwag mo lang akong susumbatan dahil araw-araw kitang aarawan. - Araw



Kaberdehan

Add caption

Mga gusto kong kulay green

Fastfood:
 Pizza at lasagna ng Greenwhich

Gulay at prutas:
 kamote (anong kulay ang talbos?)
 Atyesa (anong kulay pag hilaw?)
 Saging at ubas (diba may green din?)

Movie 2:
 The Dreamers (dahil bida si Eva Green at napakarami niyang daring at nude scene, sobra blondie lahat ng buhok)

Artistang babae:
 Drew Barrymore (dating asawa ni Tom Green, oo pinatulan niya ‘yon)

Model
 Vida Verde (oo model sya nakita ko sa magazine ng tito ko yung “DALAGA”, barkada nila Joy Sumilang yan at George Estregan)

Artistang lalake:
 Piolo Pascual (matunog na matunog ang balita na berde ang dugo ni pampam P)

Movie 1:
 La Salle sex scandal (syempre dahil sila’y mga Green Archers)

Kanta:
 Don’t touch my berdi (kinakanta ng kapit bahay naming class B - kanta ng Parokya ni Edgar)

Banda:
 Grin Department (local) at greenday (foreign)

Singer:
 Tom Jones (yung kumanta ng Green green grass of home)

Superhero(s):
 Green Lantern(kahit walang parol)
 Green 2 – (barkada ni Red one at Blue three)

Villain:
 Green Gobil’n (kalaban ni Spider-Man, tama ba?)

Insect(s):
 Green Hornets

Kumkain ng Insect(s):
 Kermit the frog

Martial artist:  Bruce Lee – (nasa original na Green Hornets)

Basketball player
 Larry Bird yung pinsan ni Big Bird (dating Celtics, kulay green ang uniform?)

Body Builder:
 Bruce Banner (laki kaya ng katawan ni Incredible Hulk)

Miscellaneous
 Kryptonite (eto ang magpapatunay na tuli si Superman dahil ito lang ang nakakasugat sa kanya)