May isa daw propeta,
na gustong kumulekta
ng inyong simpatya
at saka ng kwarta.
Propesiya’t propesyon,
sa dambuhalang istasyon
kung saan ay negosyo na
ang kulto at relihiyon.
Nagsabi nang gabay,
nangaral, nag-alay
ngunit siya’y naghihintay
ng inyong mga lagay.
Siya ay nag dasal
bumulong, dumaldal,
nagpanggap na banal,
upang ang kanyang bulsa
ay tuluyang kumapal.
Propesiya at propesyon
propeta’t telibisyon
ang dulo’t tuloy gulo
sa ang aming bansa’t nayon.
Laging manalangin at magtiwala sa itaas
(keep the faith)
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
blangko
Bakit ba walang maisip at maisulat na tula,
na mayroong saysay at mainam na tugma?
Bakit ba ang utak ko’y nagmimistulang bula,
na hangin lang ang lama’t blangko sa gitna?
Hindi makabuo ng maayos na salita,
na magbibigay sigla sa ulo kong pata.
Naubos na nga yata ang sustansya at taba
at wala nang nakikinabang kung ‘di kuto at lisa?
Hinihikayat ko pang pilit ang aking sarili,
na ako ay sumulat at ako ay humabi
kahit isang simpleng tula, kwento o oyayi
Mababaw man o malalim, payak man o maarte.
Walang mapaghugutan ng inspirasyong matino.
Sa langaw, ipis, takure, platito, o ligaw na aso.
Trapik, iskandal, pork barrel at bugbugan sa condo.
Humaygad tulungan ninyo po ako..

Subscribe to:
Posts (Atom)