Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
sa huli
sa loob...
nakapikit ang aking mga mata
habang nakikinig na nakahiga
sa mabagal at malungkot na musika
sa labas...
mga garalgal na tinig at iyakan
habang lumalakad na marahan
kasunod nang isang itim na sasakyan
ang lulan...
isang kulay tsokolateng kahon
mga bulaklak at mga dahon
kandila at mga ala-alang pabaon
dapit-hapon...
nang sapitin namin ang pakay
isang pook na maraming bahay
sementadong parihaba at mga hukay
malungkot...
habang sila sa akin ay nakatanaw
umugong ang malalakas na palahaw
tinatawag ang pangalan ko't palayaw
sa huli...
ipinasok ang aking higaan
sa magsisilbing bagong tahanan
kung saan di ko na mararanasan
ang lungkot at kabiguan
ang aking libing...
Gold
Matinding inggit ang naramdaman mo habang nakikining sa usapan ng iyong kapit-bahay na ipinaglihi sa bentilador ang kahanginan..
"Lucio!!! Saan mo na naman nilustay ang allowance mo?"
"Ma..galing lang po ako sa market, namili ako ng Gold."
"Puro ka gastos, sige na kumain kana may kaldereta at mechado pa diyan sa kusina."
Dali-daling tumakbo ang anak sa kusina at naghanap ng abrilatang pambukas sa ulam nilang Century Tuna."
-end 😶🔫
"Lucio!!! Saan mo na naman nilustay ang allowance mo?"
"Ma..galing lang po ako sa market, namili ako ng Gold."
"Puro ka gastos, sige na kumain kana may kaldereta at mechado pa diyan sa kusina."
Dali-daling tumakbo ang anak sa kusina at naghanap ng abrilatang pambukas sa ulam nilang Century Tuna."
-end 😶🔫
Swimming (shorts)
Nangutang kapa nang pambili ng swimsuit at sunblock noong narining mo na sa
"Pool Area" gaganapin yung bertdey nang crush mong barkada n'yo...
Pagdating sa bahay nilang malapit sa likod ng palengke, napamura ka nalang nung ipakilala niya kayo sa erpat niyang nakahubad baro, habang nagpapa-Tong sa poolan nila...
"Tang'na sana pala tako ang binili ko!"
😜
Muning
Hawak ang isang uno-por-dos na coco-lumber ay impit ang aking hiningang nag-aabang sa likod ng pinto ng aming kusina.
Maingat akong hindi makagawa nang ano mang ingay upang hindi makahalata o mabulabog ang aking hinihintay.
Si Muning.
Ang pusang tirador ng aming ulam, siya na dahilan kung bakit ako napagalitan at nagulpi ni Tiyo Karyo kanina.
Kailangan kong makaganti.
Lumipas ang mga ilang sandali ay nakita ko na ang pusang magnanakaw, dahan-dahang lumalakad papasok sa aming kusina na animo'y nakikiramdam. May bitbit siyang isang malaking daga na sakmal-sakmal niya sa leeg.
Kumuha ako nang tiyempo para sa aking pag-atake.
"Yari ka sa'kin ngayon," sa loob-loob ko lang.
Humakbang ako papalapit at bumuwelo para hatawin ang pusa.
"Hayop ka!"
Tinamaan ko siya nang isang solid sa gulugod na naging dahilan upang mabitiwan niya ang kagat-kagat na daga.
Sinundan ko pa ng isa-dalawa-tatlong palo, hanggang sa tuluyan nang mawalan nang malay si Muning.
.
Hapunan, kinagabihan...
"Ong lutong noman netong pagkoka perito mo ng manok, krisping-kripi," tuwang-tuwang namumuwalan ang lasing na si Tiyo Karyo habang kumakain.
"Bokit hindi kopa sumobay kumain?" alok nito sakin.
"Mamaya na ho ako tsong, katatapos ko lang magkape," ang nakangisi kong sagot sa walang hiya kong padrastro habang sarap na sarap siya sa piniritong dagang-bahay na dala ni Muning kanina. :/
-end
Pulutan
"Pre tagal mo naman, mauubos na itong iniinom natin!"
"Oo nga brad nangagalahati na itong kwatro, ano ba iyang niluluto mo matagal pa ba iyan?"
"Kaunti nalang maluluto na itong papaitan." Sagot ni Kardo sa mga atat na atat na kainuman.
"Ayos brad, papaitan kaya pala medyo natagalan pinapalambot pa sigurong mabuti," bulong ni Elyong sa kabarkadang si Lukas.
"Puta matagal-tagal na akong hindi nakakahigop nang sabaw ng papaitan, tiyak na rarayumahin nanaman ako nire," sagot pabulong din ni Lukas at saka sumigaw.."Brad, dagdagan mo nang kaunting apdo masarap iyong medyo mapait!"
""Wag kang mag-alala alam ni pareng Kardo iyan, matagal tumira sa Ilocos iyan bago napadpad dito, siguradong natutunan niya doon kung paano magluto nang masarap na papaitan."
"Ahh ganon ba brad, teka kukuha lang ako ng kutsara para panghigop sa mainit na sabaw."
Mga ilang minuto ang lumipas.
Inilapag na ni Kardo ang isang mangkok na may takip sa harapan nang dalawa
"P're dahan-dahan lang baka tumapon ang sabaw."
"ANO 'TO?" halos sabay tanong nang dalawa nang makita ang nasa loob ng mangkok.
Binalot nang katahimikan ang paligid.
Matagal na walang naging imikan sa harapan nang tatlo. Hanggang sa halos maubos na ang iniinom.
"Ang cho-choosy n'yo, tag-kinse lang ang patak n'yo, naghahanap pa kayo ng masarap na pulutan... MAPAIT din naman iyang ginisang ampalaya ah."
"Tangna, bumili pa naman ako ng kalamansi... buwiset."
Bulong ni Lukas sa sarili.
Mula noon ay umiwas na si Lukas sa kabarkadang si Kardo.
SI Elyong naman dahil hindi maka move-on ay tuluyan nang hindi nakapagsalita...
ermat's day
para sa mga na delay
naglihi at nagdalantao
para sa mga minanas,
nagluwal at nagpasuso
para sa nagka-kamot,
nagka-stretch mark at lumobo
para sa mga nagpuyat,
nagpakai't unang nagsubo
para sa nagpalit ng lampin,
nag-alis ng tae at nagpaligo
para sa unang nagturo't
nagsilbing unang guro
para sa unang dumisiplina,
nangaral at pumalo
para sa asawa,
para sa ina,
para sa tita,
para sa lola,
hapi Ermat's Dey..!
Utang
"Tangina na naman oh, wala na naman kayong panghulog? Tatlong hulog na kayong sumasablay, hindi n'yo ba magagawan nang paraan iyan?"
Nagising ako sa lakas ng bunganga na nagmumula sa aming sala.
"Aba'y lugi na ako, kung sa iba ko ipinautang iyong pera malaki-laki narin sana ang tinubo ko!"
Napa-upo ako sa aking kinahihigaan, tinikom ko ang aking kanang kamao habang salo-salo ng aking kaliwang kamay.
"Baka naman umabot pa tayo sa barranggay kung hindi niyo gagawan nang paraan yung panghulog niyo!"
Dahan-dahang tumulo ang luha sa aking mata dahil sa habag na nararamdaman para sa aking ina.
"Aalis na ako pero babalik ako sa makalawa para maningil, kung hindi kayo makakahulog kukunin ko iyang TV n'yo!"
Tumayo ako't pumunta sa sala. Nilapitan ko ang nanay kong umiiyak.
"Masahol pa sa hayop ang asal!" pagalit kong sabi.
Napatignin sakin si Nanay,
"Wag kanang magsalita ng ganyan, baka mainit lang ang ulo ng ate mo."
Batugan
Nagulantang ang lahat ng marinig namin ang aming boss na halos malatin kasisigaw at galit na galit.
"Nasaan! Nasan yung hayop na batugang janitor na iyan?"
Sabay kasa ng kwareta'y-singkong baril na kinuha sa drawer sa kanyang opisina.
"Tang-ina, walang ginawa kung hindi kumain, ayaw mag trabaho!"
patuloy pa niya.
Sa takot ng lahat ay walang makakibo o maka-awat sa pagwawala ng aming CEO, bukod sa maari kaming masisante 'pag kami ay nakiaalam ay takot ang lahat sa hawak-hawak niyang baril.
Kumabog ang dibdib ko't pigil ang aking paghinga ng dumaan siya malapit sa aking cubicle.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalampas na siya at tumuloy sa may reception area.
Muli kong narinig ang malakas niyang sigaw, "Batugaaaaan!"
Kasunod ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.
Bang! Bang! Bang!
Napakrus nalang ako.
Mga ilang sandali ang lumipas ay nagulat ako ng matanaw ko si mang Berto'ng may hawak na timba at basahan.
"Sumumpong na naman ang toyo ng anak ng may-ari," naulinigan kong sabi ni mang Berto.
"Pati isda pinatulan...tsk..tsk..tsk"
"Nasaan! Nasan yung hayop na batugang janitor na iyan?"
Sabay kasa ng kwareta'y-singkong baril na kinuha sa drawer sa kanyang opisina.
"Tang-ina, walang ginawa kung hindi kumain, ayaw mag trabaho!"
patuloy pa niya.
Sa takot ng lahat ay walang makakibo o maka-awat sa pagwawala ng aming CEO, bukod sa maari kaming masisante 'pag kami ay nakiaalam ay takot ang lahat sa hawak-hawak niyang baril.
Kumabog ang dibdib ko't pigil ang aking paghinga ng dumaan siya malapit sa aking cubicle.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalampas na siya at tumuloy sa may reception area.
Muli kong narinig ang malakas niyang sigaw, "Batugaaaaan!"
Kasunod ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.
Bang! Bang! Bang!
Napakrus nalang ako.
Mga ilang sandali ang lumipas ay nagulat ako ng matanaw ko si mang Berto'ng may hawak na timba at basahan.
"Sumumpong na naman ang toyo ng anak ng may-ari," naulinigan kong sabi ni mang Berto.
"Pati isda pinatulan...tsk..tsk..tsk"
Manager's office
"Sir, halos sabay lang kaming na hire ni Patrick,
pareho lang kami ng credentials at kung tutuusin mas marami akong kliyenteng naipasok sa kompanya at mas malalaking transaksyon ang naisara ko kaysa kanya.
Bakit tatlong beses na siyang nadagdagan ng sweldo,
samantalang ako hanggang ngayon dipa nakakatanggap kahit isa?"
Ang halos pasigaw na tanong ni Nardo kay Mr. Batongbakal habang nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa lamesa nito.
Tumayo si Mr. Batongbakal at umakbay sa kanya sabay bulong,
"kaya mo ba akong paligayahin?"
Subscribe to:
Posts (Atom)