Tatay na ko, mayroon ka naring matatawag na apo sa panganay mong anak.
Bagama’t hindi niya ma isasalin sa kanyang mga magiging anak ang ipinamana mo sa aming apelyido, isinama ko naman sa pangalan niya ang pangalan mo.
Pinalitan ko lang ng letrang “E” yung dulo ng Maximo, para maging tunog pambabae.
Sayang hindi mo na inabot at nakita kung paano sumayaw at kumanta yung apo mo na nagmana yata sa iyong talino.
Pero sana ‘wag magmana sa pagka sintunado na namana ko sa iyo.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng maging isang ama, ramdam ko na rin ang kurot sa dibdib kapag nakikita mong mas malapit pa sa ibang tao ang iyong anak.
Na para bang takot na takot sa iyo ni ayaw magmano o humawak.
Oo alam ko ganoon din ako sa iyo noon, dahil mas gusto ko pang sumama kay lola kaysa sa inyo, diba?
Masakit din pala.
Kapag nakikita mong mas masaya pa ang panganay mo na nakikipaglaro sa ibang tao at masayang masaya, pero mag-ii iyak kapag ikaw ang kasama.
Talaga yatang ganoon ang buhay, kung ano ang ginawa mo noon ay siya ring mangyayari sa’yo pag dating ng panahon.
Ito lang ang pinapangako ko sa iyo Tay, lalaki ang apo mo na kilala at ipag mamalaki kung sino ang kanyang lolo.
Maligayang Kaarawan,
No comments:
Post a Comment