Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Bugbog sarado!
Isang malakas na suntok ang dumampi sa aking balingusngusan, na siyang naging dahilan ng pag sargo ng dugo mula sa aking ilong. Gusto ko sanang bumawi sa buwakanang inang sumuntok sa akin, pero bago pa ako nakalapit sa kanya ay isa na namang malakas na suntok ang aking natamo sa’king batok, na nagmula sa gawing likuran. Napa balikwas ako, lumingap sa paligid nagbabakasakaling makakita ng kahoy o batong pupwede kong ipanlaban sa hindi ko mabilang na kaaway.
Dalawa, tatlo, lima, sa likod, sa harap, kaliwa’t kanan?
Dahan-dahan akong humahakbang paatras nakikiramdam kung sino sa kanila ang muling aatake.
Yung mama kayang naka hubad baro sa may bandang kaliwa? Yung payatot na naka Chicago Bulls na sandong may panget na tato sa balikat? O iyong barker ng biyaheng Rosario Pasig sa kanan ko na mukhang tatlong araw ng walang tulog?
Nagbabalak akong tumakbo nang biglang lumusob patadyak sa akin yung "EX" ng kaklase ko noong high school, si Boy Putok. Bahagya akong naka iwas, ngunit nawalan ng balanse na naging sanhi ng aking pagkakatumba.
Doon na ako nakuyog at walang humpay na nakatamo ng umuulang sipa, suntok, tadyak.
Kahit saan ako lumingon ay iba’t ibang sukat ng kamao at klase ng tsinelas ang nakikita kong parating sa aking mukha at katawan.
Rambo, Beach Walk, Spartan, Alpombra…
Halos pa sarado na ang aking magkabilang mata dahil sa tinatamong gulpi, samahan pa ng hilam mula sa sarili kong dugo at habang patuloy ang bugbugang nagaganap ay pilit kong kinapa ang paligid at muli ay nagbakasakaling maka apuhap ng kahit na anong pupwede kong ipanglaban.
Ngunit sadya yatang kapalaran ko na ang mamatay noong araw na iyon, dahil kahit anong hanap ko at kapa sa paligid ay pulos batong sinlalaki ng bala sa tirador lamang ang aking nadadampot.
Kung pwede ngalang sanang lunukin ang isa sa mga batong iyon at sumigaw ako ng DARNA! Edi sana tapos na. Pero hindi, kahit siguro si Capt. Barbell ay di rin uubra sa lakas ng mga anghit ng gumugulpi sa akin.
Buti nalang at naka toma ako bago naganap ang bugbugan, kung kaya’t naka hiram ako ng tapang at lakas ng loob sa markang demonyo na may halong sabaw ng buko, kaya siguro ang taas ng enerhiya ko ng mga oras na iyon.
Hanggang sa hindi na kinaya ng aking katawan at unti-unti ay pinanawan na ako ng ulirat.
Ang huli ko nalamang naalala ay yung mga mga maliliit na etits noong mga gumulpi sa akin habang nakaikot sila’t iniihian ang nakahandusay kong katawan.
Napaisip nalang ako sa aking sarili… "‘Tangna n'yo may araw din kayo sa akin."
istatus #001
-Yung moment sa "stop light" na mapapalingon ka sa babaeng driver sa kabilang sasakyan at dahan-dahang magtatama ang inyong mga mata…
Habang sarap na sarap ka sa pangungulangot.
superb!
-Nahuli ako ng amo kong nag pe-facebook kaninang oras ng trabaho,
superb!
-Nahuli ako ng amo kong nag pe-facebook kaninang oras ng trabaho,
. . . bakit ba kasi na i-LIKE ko yung post, nya?
haisssst.
-Kakatuwa namang makitang active at nakaka 31,856 messages na pala yung FB chat group na ginawa natin last year....
haisssst.
-Kakatuwa namang makitang active at nakaka 31,856 messages na pala yung FB chat group na ginawa natin last year....
. . . kahit 30,000 doon ay puro "smileys" at "emoticon" lang..
-Don't tell me sa kapal ng make-up mo na iyan,
. . . nahihirapan kapang mag isip ng costume para sa Halloween party.
haller!
-Yung feeling na buwan-buwan nalang candidate ka sa pagiging
"Employee of the Month"
. . . kahit na alam mong 2 lang kayong empleyado sa pinapasukan mong trabaho.
-Pag tinimpla ka ng kape ng milyonaryo mong amo.
o tanungin ka kung gusto mo with milk?
. . . mahihiya kang itanong kung Holiday ba sa Lunes.
Mga ilang status na naipost ko sa FB na sa tingin ko ay worth sharing din sa aking blog.
Lahat nga pala ito ay naisip ko lang at hindi ko pinulot o ginaya sa iba. Pero.. baka meron narin naman nag post o gumawa ng mga ilan dito na nauna sa akin (di ako sure), but as i said, lahat iyan ay naisip ko lang at wala akong pinag-gayahan.
-Don't tell me sa kapal ng make-up mo na iyan,
. . . nahihirapan kapang mag isip ng costume para sa Halloween party.
haller!
-Yung feeling na buwan-buwan nalang candidate ka sa pagiging
"Employee of the Month"
. . . kahit na alam mong 2 lang kayong empleyado sa pinapasukan mong trabaho.
-Pag tinimpla ka ng kape ng milyonaryo mong amo.
o tanungin ka kung gusto mo with milk?
. . . mahihiya kang itanong kung Holiday ba sa Lunes.
Mga ilang status na naipost ko sa FB na sa tingin ko ay worth sharing din sa aking blog.
Lahat nga pala ito ay naisip ko lang at hindi ko pinulot o ginaya sa iba. Pero.. baka meron narin naman nag post o gumawa ng mga ilan dito na nauna sa akin (di ako sure), but as i said, lahat iyan ay naisip ko lang at wala akong pinag-gayahan.
gig..
rizal underground, prettier than pink, put3ska
brownman revival, color it red, cooky chua
alamid, freestyle with jinky vidal at top suzara
the youth, yano, at the dawn with buddy zabala
itchyworms, sugar hiccup at sandwich with mark abaya
barbie almalbis, orient pearl at Naldy Padilla
callalily, grace nono, wolfgang w/ wolf gemora
agaw agimat, siakol, slapshock, jamir garcia
gloc-9, pupil, kamikazee, wuds, Bamboo ‘yung banda
iaxe, wency cornejo, truefaith, francis magalona
rico blanco, bamboo, nathan, mark, rivermaya
dindin, buwi, darius, gab, vinci, chito ng parokya
eheads, raimund, marcus, buddy, ely buendia
mga musikero’t musikera, maging solo act man o banda
angas, baduy, jologs man o bholoks ang tingin ng iba
lahat sila’y dinayo ko, at nanood ng live na tugtugan nila
Dubai 2014 : kamikaze |
Bara..
malapit na naman ang tag-baha
may basura na namang babara
sa estero at kanal sa eskenita
lulubog na naman sa kalye nila
dahil sa balat ng kendi
mapeperwisyo na naman ang marami
dahil sa upos ng yosi
magkaka alipunga nanaman kami
babara ang itinapon mong kalat
butas na medyas at gulong ng trak
basyo ng toyo at bote ng alak
baluktot na liyabe o bulok na jack
makakaperwisyo din pag di sininop
gamit na roll-on, balat ng balot
gamit na diaper, upod na walis at bunot
lumang unan, o kutson na may surot..
bumabara din kahit maliit na bagay
kamay ng manika, takip ng mantika
holen o naipong buhok sa suklay
fishball stick, susi, at lastikong makulay
hangga’t marami ang walang pakialam
na magtatapon ng basura kung saan saan
ay tiyak na magbabaha dahil mababarahan
ang mga dinadaanan at mga dinadaluyan….
may basura na namang babara
sa estero at kanal sa eskenita
lulubog na naman sa kalye nila
dahil sa balat ng kendi
mapeperwisyo na naman ang marami
dahil sa upos ng yosi
magkaka alipunga nanaman kami
babara ang itinapon mong kalat
butas na medyas at gulong ng trak
basyo ng toyo at bote ng alak
baluktot na liyabe o bulok na jack
makakaperwisyo din pag di sininop
gamit na roll-on, balat ng balot
gamit na diaper, upod na walis at bunot
lumang unan, o kutson na may surot..
bumabara din kahit maliit na bagay
kamay ng manika, takip ng mantika
holen o naipong buhok sa suklay
fishball stick, susi, at lastikong makulay
hangga’t marami ang walang pakialam
na magtatapon ng basura kung saan saan
ay tiyak na magbabaha dahil mababarahan
ang mga dinadaanan at mga dinadaluyan….
sirang pantasa, pin ng ID at spring ng notebook
takip ng bolpen, plastic cover, gamit na straw na panghigop
sirang lunchbox, sapal ng bubblegum at binilog na kulangot..
saklob na kaldero, putol na sandok at siyanse
basag na hasaan, lata ng sardinas at karne norte
balat ng itlog, sirang tsupon ng dede ni beybi
gamit na condom at sanitary napkin ni mommy…
obrero
maligaya kaya sila
sa maghapong pagpapagod
sa kakarampot na kinikita...?
maligaya kaya kayo
sa inyong paghahanapbuhay
sa maliit na sinusweldo..?
liligaya kaya kami
sa pamamasukan sa kompanya
kahit ang pasahod ay kaunti..?
hindi sapat ang ang sapat na
hindi sakto ang sakto na..
marami ang hindi kuntento
marami ang hindi masaya
bilad sa araw
among halimaw
trabahong kalabaw
pulitikong magnanakaw
lahat iyan ay titiisin
lahat iyan ay kakayanin
basta lang may makain
ang pamilya namin...
sa maghapong pagpapagod
sa kakarampot na kinikita...?
maligaya kaya kayo
sa inyong paghahanapbuhay
sa maliit na sinusweldo..?
liligaya kaya kami
sa pamamasukan sa kompanya
kahit ang pasahod ay kaunti..?
hindi sapat ang ang sapat na
hindi sakto ang sakto na..
marami ang hindi kuntento
marami ang hindi masaya
bilad sa araw
among halimaw
trabahong kalabaw
pulitikong magnanakaw
lahat iyan ay titiisin
lahat iyan ay kakayanin
basta lang may makain
ang pamilya namin...
All in
It’s not my fault
I guess?
Because I know
I did my best…
with all the
joys and jest
I gave my all
there’s nothing left
I emptied my closet
I emptied my chest
I guess?
Because I know
I did my best…
with all the
joys and jest
I gave my all
there’s nothing left
I emptied my closet
I emptied my chest
Dubai.. a different perspective
Because some of us believed that malls and luxury hotels are
the only things Dubai can offer. So I decided to post this photo series and let
everyone see one of the colorful vegetable market of Dubai with the different
hardworking nationalities doing their task on a Friday morning, when most of
the expatriates are still sleeping and enjoying their weekend break.
Capturing different mood....capturing different colors.
Capturing different mood....capturing different colors.
Sakit sa balat?
May isa daw propeta,
na gustong kumulekta
ng inyong simpatya
at saka ng kwarta.
Propesiya’t propesyon,
sa dambuhalang istasyon
kung saan ay negosyo na
ang kulto at relihiyon.
Nagsabi nang gabay,
nangaral, nag-alay
ngunit siya’y naghihintay
ng inyong mga lagay.
Siya ay nag dasal
bumulong, dumaldal,
nagpanggap na banal,
upang ang kanyang bulsa
ay tuluyang kumapal.
Propesiya at propesyon
propeta’t telibisyon
ang dulo’t tuloy gulo
sa ang aming bansa’t nayon.
Laging manalangin at magtiwala sa itaas
(keep the faith)
na gustong kumulekta
ng inyong simpatya
at saka ng kwarta.
Propesiya’t propesyon,
sa dambuhalang istasyon
kung saan ay negosyo na
ang kulto at relihiyon.
Nagsabi nang gabay,
nangaral, nag-alay
ngunit siya’y naghihintay
ng inyong mga lagay.
Siya ay nag dasal
bumulong, dumaldal,
nagpanggap na banal,
upang ang kanyang bulsa
ay tuluyang kumapal.
Propesiya at propesyon
propeta’t telibisyon
ang dulo’t tuloy gulo
sa ang aming bansa’t nayon.
Laging manalangin at magtiwala sa itaas
(keep the faith)
blangko
Bakit ba walang maisip at maisulat na tula,
na mayroong saysay at mainam na tugma?
Bakit ba ang utak ko’y nagmimistulang bula,
na hangin lang ang lama’t blangko sa gitna?
Hindi makabuo ng maayos na salita,
na magbibigay sigla sa ulo kong pata.
Naubos na nga yata ang sustansya at taba
at wala nang nakikinabang kung ‘di kuto at lisa?
Hinihikayat ko pang pilit ang aking sarili,
na ako ay sumulat at ako ay humabi
kahit isang simpleng tula, kwento o oyayi
Mababaw man o malalim, payak man o maarte.
Walang mapaghugutan ng inspirasyong matino.
Sa langaw, ipis, takure, platito, o ligaw na aso.
Trapik, iskandal, pork barrel at bugbugan sa condo.
Humaygad tulungan ninyo po ako..
na mayroong saysay at mainam na tugma?
Bakit ba ang utak ko’y nagmimistulang bula,
na hangin lang ang lama’t blangko sa gitna?
Hindi makabuo ng maayos na salita,
na magbibigay sigla sa ulo kong pata.
Naubos na nga yata ang sustansya at taba
at wala nang nakikinabang kung ‘di kuto at lisa?
Hinihikayat ko pang pilit ang aking sarili,
na ako ay sumulat at ako ay humabi
kahit isang simpleng tula, kwento o oyayi
Mababaw man o malalim, payak man o maarte.
Walang mapaghugutan ng inspirasyong matino.
Sa langaw, ipis, takure, platito, o ligaw na aso.
Trapik, iskandal, pork barrel at bugbugan sa condo.
Humaygad tulungan ninyo po ako..
f r e e
flow like a river
fly like a bee
follow where the wind blows
grow like a tree...
swim with the fishes
deep in the sea
live with all your wishes
be what you want to be...
fly like a bee
follow where the wind blows
grow like a tree...
swim with the fishes
deep in the sea
live with all your wishes
be what you want to be...
saranggola
Hinaharot ang langit at sa ulap humahalik
Sumasayaw sa tono ng hanging umiihip
Dinidigahan ang pisi kung saan nakakapit
Mga kamay ng musmos at batang paslit
Naglalayag doon sa may kaitaastaasan
Kaibigan nang araw, katunggali ang ulan
Kasabwat ay ang hanging habagat at amihan
Sa lipad ng maya’t pipit nakikipag patayugan
Ngiti ang idinudulot sa matanda’t musmos
Kaligayahang natatamasa’y labis at lubos
Nakakaligtaan ano mang uri nang unos
Kapag sa himpapawid ikaw ay dumausdos
Sa paglubog ng araw at pag sapit ng gabi
Walang hinihiling kung ‘di oras ay dumali
Upang sa kinabukasan ay ma malas na muli
Matayog na lipad ng burador na malandi
Subscribe to:
Posts (Atom)