Malalim ang iniisip at bubulong-bulong sa sarili.
“Kung hindi ko lang sana ginawa ýon, 'di sana nagka-ganito”(tsk—tsk—tsk-)
“Dapat kasi hindi ito... Dapat yung una kong plano ang sinubok ko.”(sayang)
“Papaano pa?”
“Papaano na?”
“Kahit sino siguro ang nasa katayuan koý wala ng maiisip na iba pang paraan para malunasan ang ganitong klaseng sitwasyon at problema,” (don’t give up)
“Bahala na, kailangang kumilos. . . Bago pa maubos ang oras ko at maging huli ang lahat.” (alert)
“Pero sandali . . . mukhang kahit na anong gawin koý, parang lalo lang madaragdagan at lalaki ang problema.” (useless)
“Kailangan na talaga sigurong magsakripisyo para maka-iwas sa mas malalang sitwasyon,”
“Ngunit papaano nga? Kailangan pa bang magka-ganito, kailangan pa bang humantong sa ganitong kalagayan?” (esep-esep)
“Nasisiraan na yata ako ng ulo, kanina ko pa kausap ang sarili ko.” (sayad)
---- “Brod, ano nangyayari sa iyo? Kanina kapa bulong ng bulong diyan?” ------(concern)
“Ha ah, eh. . . wala, may iniisip lang ako.” (palusot)
---- “Nag-iisip o nagdarasal?” ------- (nambuska pa)
“Pare, pwede ba? hayaan mo akong makapag isip. . .” (kunot na ang noo)
---- “Ito tinatanong lang. . . sungit mo naman” ------
“Ang ingay mo kasi hindi ako makapag concentrate!”
---- “Anong concentrate? Ang lagay na’yon ay hindi kapa nakakapag concentrate?” ----
Nahinto ang pagtatalo ng dalawa . . .
“Dyaske kang bata ka, kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala!” (patay ka ngayon)
Hinawakan ng ina ang kanyang patilya at gigil na hinila paitaas. . . dahil sa sakit ay napasunod ito at napatayo sa kanyang kinauupuan.
“Araaaaay, aray-araaaayyy, Nay naman masakit!”
“Anong masakit mas lalo kang masasaktan kapag ang tatay mo pa ang sumundo sa iyo dito! Iniwanan mo yung pintong bukas, ayon nagpasukan lahat ng bibe duon sa loob ng bahay at nagkalat ng tae duon sa sala”
“Isinara ko po iyon.”
“Anong isinara, halika at tingnan mo.”
Papaalis na sana silang mag ina, nang humabol at mag tanong ang kanyang kabarkada.
--- “Teka- teka. Pare, tira mo.” ----
Bago pa nasundan ang usapan nilang magkabarkada ay dali-dali na siyang hinila ng kanyang ina papalayo.
“Maka ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wala kang mapapala diyan sa paglalaro ng chess! Lalo kalang mabobobo”
“Inay naman”.
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Bespren?
“Inom tayo”, inaya mo ‘ko.
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
“Pero wala akong pera ”, sabi ko sa’yo.
“Wala akong pampatak, kung ‘di otso”.
“Wag kang mag-alala sagot ko na”,
Tugon mo sakin, sabay dukot sa bulsa,
“Meron pa ako ditong singkwenta
Ihanda mo nalang ang baso at lamesa”.
Nagsimula tayo ng alas kuwatro
Tinagay ang markang demonyo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Ay nagsimula ng magkuwento.
Sinabing may mabigat na suliranin
Bumabagabag sa iyong damdamin
Tinanong kita at inamin sa akin
Ang syota mo ay may madilim na lihim.
Hindi mo napigil ang iyong luha sa pagpatak
Sinabi mong ang puso mo’y wasak na wasak
Sa awa ko sa’yo pati mundo ko’y bumagsak
Dahil sa syota mo, tayo ay umiyak
Kinalabit ko ang gitara at tayo’y kumanta
Yung sa Parokya ni Edgar at sa Rivermaya
Tinulungan kang makalimot at mapasaya
Makatakas kahit sandali sa iyong problema.
Nang matapos ang inuman ako’y napa isip,
Natingin sa malayo at natingala sa langit,
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Dahil ang syota mo, ako ang bagong iniibig.
Tagos!
“Ano ba iyang dumi sa iyong likuran?”
Itinanong ng ina, nang may masilayan
Sa likod ng anak, nasa kanyang harapan
Na para bang, may mantsa sa gawing puwitan.
Tumalima ang anak at saka tiningnan,
Ang napansin ng ina at napag-takahan.
“Ako po yata ina ay sadyang dinatnan?”
Tugon ng anak na nagugulumihanan.
Itinanong ng ina, nang may masilayan
Sa likod ng anak, nasa kanyang harapan
Na para bang, may mantsa sa gawing puwitan.
Tumalima ang anak at saka tiningnan,
Ang napansin ng ina at napag-takahan.
“Ako po yata ina ay sadyang dinatnan?”
Tugon ng anak na nagugulumihanan.
Ang matandang babae ay biglang na tigil
Sa tinuran ng anak na may pagka-sutil
Ang matandang babae’y di nakapag pigil
Kinutusan ang anak sa sobra n’yang gigil.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa’iyo,
Na itigil mo na ‘yang pinapantasya mo
Ikaw ay lalake isaksak sa’yong ulo.
Ang pag astang babae, iyo nang ihinto!”
“Opo ina, opo ina”, sambit ng bata
Sa mahal niyang inang hindi alintana
Na tuloy sa pagkurot, sa harap ng madla,
Suwail na anak ay ibig ng itatwa.
Ang kaniyang likuran ay muling kinapa,
Inamoy kanyang kamay na, ma masa-masa
Lumingap ang bakla sa galit niyang ina
“Nay, kala ko po ay regla. . . tae po, pala”.
Sa tinuran ng anak na may pagka-sutil
Ang matandang babae’y di nakapag pigil
Kinutusan ang anak sa sobra n’yang gigil.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa’iyo,
Na itigil mo na ‘yang pinapantasya mo
Ikaw ay lalake isaksak sa’yong ulo.
Ang pag astang babae, iyo nang ihinto!”
“Opo ina, opo ina”, sambit ng bata
Sa mahal niyang inang hindi alintana
Na tuloy sa pagkurot, sa harap ng madla,
Suwail na anak ay ibig ng itatwa.
Ang kaniyang likuran ay muling kinapa,
Inamoy kanyang kamay na, ma masa-masa
Lumingap ang bakla sa galit niyang ina
“Nay, kala ko po ay regla. . . tae po, pala”.
Idol
Muntik na akong ma-ospital noong isang araw,
Muntikan na kasing mabali ang aking buto,
Buti na lang ang latay ay hindi masyado
Paghambalos nang buhok ng lola nyo
Ang haba ng hair ay sobrang-sobra,
Mala Rapunsel ang naging drama,
Nang magtapat ng pag-ibig sa kanya
Ang romantikong si Robin Padilla.
Ang mga baduy ay nagsipanood,
Ma pa TV man at maging sa YouTube
Pati tuloy akong di naman jologs,
Napa silip ng mai-post sa Facebook.
Aydol ko si Binoy...
kahit noon pa man,
Kaya diko man gusto ang usapan
Basta't si Bad Boy ang involve sa kwentuhan,
pipilitin ko itong pagtiyagaan..
pipilitin ko itong pagtiyagaan..
Utot nga lang ba?
Pipiliting itago ang tunay nadarama,
Sisikapin kong ito'y di mo mahalata,
Sapagkat ako'y takot, na iyong matanto,
Kayat ako'y lilisan, pipiliing lumayo.
Matagal na rin naman ang aking pagdurusa,
Kinimkim, sinarili at inilihim sa iba,
Mahirap, masakit parang hindi na kaya,
Kaya dinadaan na lamang sa buntong hininga.
Labas nasa katawan ang malamig na pawis
Dahil sa paghihirap na aking tinitiis,
Sikip man ang dibdib, itatago paring pilit,
Ang aking nadaramang puno ng hinagpis.
Pawisang-pawisan, tatakbo at hihinto,
Habol ang hininga, tatayo at uupo,
Pipikit ang mata, at bubulong ng " Diyos ko",
Sana po sa kubeta ay umabot ako.
Utot nga lang ba? O mayroon pang iba?
Hindi ko rin alam, kung meron ng kasama,
Ako'y nangagnamba at labis ang takot,
Baka may kasama na, ang aking pag-utot.
Subscribe to:
Posts (Atom)