Sabay-sabay na nagka isip at tayo'y nagsi laki
Namulat sa Super Mario at saka battle city
Mahilig ka sa mga aso, number one na si spanky
Nakabarkada ni Billy boy at ang longhair na si Ricky
Kasabay din na natutong tumagay at tumoma
Mapa beer man o mapa hard walang selang tinutungga
Hinding-hindi tayo iinom, kung pulutan ay wala
Kahit expo, kahit zebzeb o kaya'y piritong tilapya
Si niknok at si super dog sa funny komiks nakilala
Dati noon Linggo-linggo ay siguradong meron ka
Ngunit sadya ngang nag iba ng ikaw ay magbinata
Kasi ngayon ay FHM na ang binibili't kinukolekta
Si Istalon, si Fernando Poe at Arnold Swarsineger
Bong Revilla at Jaki Chan na bida sa drunken master
Si Wesli Snipes, Samuel J at WilSmit naman kung sa Niger
Ilan lamang sa aydol mong action star nung tin-edyer
Sa babae akala nila na ikaw ay may kahinaan
Di lang nila nalalalam na ikaw ay sadyang pihikan
Ngunit inuumaga sa telepono at nakikipagdaldalan
Ina-aybol kahit sino, pumupunta kahit saan.
Sa counter strike at battle realms inumaga rin tayo
Ang Tekken at ang Jackal sa may Eden dinadayo
Napunta rin sa may Borek, sa Yamski ay inaya mo
Napasok din sa may sumasayaw, na walang suot kahit ano
Nang si Maxie ay pumanaw, ikaw ang unang kasama
Inaalo mo akong pilit, habang ako ay lumuluha
At ngayon nga na ikaw na ang haharap kay bathala
Musta nalang sa insan natin, kay tatay, tita at kay lola
Marami pang mga bagay na sa ami'y magpapa-alala
Sa pinsan namin, sa pamangkin, sa tito at saming kuya
Sa isang anak, sa kapatid, katagayan, kabarkada
Saming puso "Ron Ceteno" ay lagi kang makakasama
Ronaldo Cruz Centeno
December 16, 1976
September 16, 2011
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
inabuso!
anG aTinG kAliKasa'Y giNawAng TapUnaN
Mga puno sa bundok patuloy ang putulan
Kaya pagbaha tuloy hindi maiwasan
Dahil sa basura at kalbong kagubatan
Ang hangi'y umiinit, dumudumi, nag iiba
Dahil sa mga usok ng mga pabrika
Tambutso ng sasakyan at mga makina
Sigarilyo ng tao wala ring tigil sa pagbuga
Ang ating karagata'y nagkulay itim na
Ilog ay kay dumi tambakan pa ng basura
Naging parang kanal ang mga batis at sapa
Makakakain ka pa kaya ng sariwang isda?
Winalanghiya, pinabayaa’t, minaltrato
Kaya sumikat tulo’y La ninya at El ninyo
Sa dami ng pulyusyon dito sating mundo
Baka pati mga Alien ay ma-dengue’t magkaubo
Ilang Ondoy paba ang dapat na dumating
Upang ang kalikasan ay atin ng mahalin
Kapag hindi nag lubay sa maling gawain
Darating ang panaho't, bibili ka narin ng hangin
(may isang tao sa Facebook Group na nag post kung pwede daw ba siyang igawa ng tula tungkol sa kalikasan... naki epal ako at ito ang ginawa ko, almost 45 mins. bago ko nabuo: walang sukat malayang taludtura)

Eks
(ang nasa itaas ay isa sa dalawang disenyong ginawa ko para sa pa-contest ng aming
high school batch para sa aming kauna-unahang reunion noong taong 2009. . .)
Hindi ko na sana ikukwento sa inyo
Naging karanasan ko noong isang Linggo
Ngunit sadyang nasaktan ako...
Nasaling at nasagasaan ang aking Ego
Nagsimba kasi kaming buong pamilya
Punta kami ng mas maaga sa Sharjah (UAE)
Para maupo sa pwestong maganda
At nang mas maintindihan ang sermon at misa
Nang ang manga tao’y papasok na
Mayroong isang babaeng dating ka kilala
“Ka batch ko ‘yan (MHPHS ’94) at kaiskwela”
Inginuso ko sa aking mahal na asawa.
Ang babae’y aking tinitigan
Habang siya’y naghahanap ng mauupuan
Tumitiempong kahit man lang minsan
Aming paningin ay magkabanggaan
Nang siya sa aki’y natingin
Bumuwelo ako upang siya’y batiin
Ngunit sadyang nasaktan ang aking damdamin
Nang ako ay hindi niya pansinin
Hindi niya naba ko natatandaan?
O sadyang nilimot nya na ang nakaraan
Kung saan ako ang kaniyang kopyahan
Pag may exam sa English, Filipino’t Araling Panlipunan.
Sa isang bansang pareho kaming dayo
Hindi naman nais ang kumamay sa kanya’t magbesobeso
Isang simpleng ngiti o simpleng tango
Ang araw ko sana ay kanyang kinumpleto.
Pesteng Ehem
Pesteng Ehem with the Bocaue Agogo Dancers
(please click to play the video)
(please click to play the video)
(Videoman is our clsm8 "Thuy" using my Sony DSC-W50 P&S Camera.)
UAE CADD Group ... batch 22 Sharjah presentation,
Nov. 05, 2010 @ Metropolitan Palace Hotel, Deira Dubai
Note: Got the name "Pesteng Ehem" on the underground band emerged in Malolos early 90's when the punk rock were the national anthem at that time, band Pesteng Ehem always competed in the battle of the band with Hydrophobia, Ice for Sale (pronounced: iseporsale) and many other band in Bulacan. Sounds funny so i tried to use it and added the "Bocaue Agogo Dacers" referring to the girls.
9months, Abroad
I am waiting for so long for the time to come,
And I spent so many sleepless nights
Thinking of you
When that special moment comes
I hope I’ll be there
To have a glimpse of your sweet smiling eyes
To hug you and to kiss you
Somehow I’m going to find a way
To be with you, be there with you,
To be with you someday…
Someday we will be together,
Somehow I will try to find a way and stay.
How many nights, how many weeks away
How many days, how many hours I’ll wait.
And when that special moment comes
I’ll try to be there
To see the gift, sent from heaven and Christ above
To touch you and feel you
Someday I will try to find a way
To be with you and stay
Someday I will not have to go away
And I will stay. . .
With you.

Academy Award
(Statue in Dubai Mall)
Kung ganito kaya ang hitsura ng "Oscar Award statuette" magustuhan kaya ni Natalie Portman, kung kailan ay naiuwi niya ang isang tropeo bilang best actress sa pelikulang Black Swan?
Luma
Gamit na, gamit na!
Ang kotseng walang pahinga.
Gamit ko ang lumang kotse ng nanay ko na mahigit sampung taon niyang ginamit. . .
At kahit na sumasakit ang katawan ko sa pagliko at pagpihit ng manibela dahil hindi ito power steering,
pinagtitiyagaan ko.
Tinitiis ko at dinadaan na lamang sa ngiti ang mapahiya at mabingi sa nakakairitang busina ng aking mga kasunod kapag ka minamaneho ko ang lumang kotse dahil sa hirap na itong humatak,
lalu na't sa mga ahuning tulay at kalsada.
Dinadaan ko nalamang sa dasal ang pangambang nararamdaman, dahil baka ako masiraan sa daan kapag malayo ang aking pupuntahan.
Magku-krus bago umalis at bubulong ng sana ako'y makarating ng maayos sa aking paroroonan.
Pinagtitiyagan ko't pinagtitiisan at sinasamahan ng dasal.
Kahit na panay pangungutya at pintas ang inaabot ko sa
mga nakakakita
lalo na sa anak ng aking amo.
Ayaw kong kumuha ng bago
o modelong hulugan.
Dahil, ayaw kong magka utang
eto ngalang lumang kotse ng nanay ko ay hindi ko pa nababayaran.
Tiis lang,
ganyan talaga ang buhay.
Dapat maging kontento kung ano man ang meron ka
at ano man ang kaya mo.
Saka nalang kukuha ng bago, kapag ka
Naka ipon na ako...

Pamilyang Bingi
Sa isang ilang na gubat ay mayroong naligaw
Isang lalaking, nangangaso at uhaw na uhaw
Sa kanyang paglalakad ay mayroong natanaw
Isang munting kubo na yari sa anahaw
Lumabas sa bahay kubo ang isang dalaga
Ang ligaw na lalaki ay agad na nagwika
“Pwede bang maki inom", ang sabi ng binata
Tumugon ang babae, muling pumasok sa dampa.
“Inang- inang sa labas po ay may tao.”
Ang sinabi ng babae sa nanay nito.
“Siya raw po ata inang ay sadyang interesado
Kaya’t kanyang babayaran ang baboy ninyo”.
Nagulat ang ina, sa tinuran ng dalaga.
Sumigaw ng malakas at galit na nag wika
“Ikaw na babae ka, ikaw ay humanda,
Pagdating ng yung ama tiyak na magwawala”.
“Iyan daw anak mo ay mag aasawa na”.
Ang sabi ng ina sa dumating na asawa
Nagulat ang ama sa narinig na balita.
Ihinagis ang buslo na may lamang isda.
“Bakit ganyan kayo mga walang kasiyahan”.
Ang sigaw ng ama na lubhang pawisan
“Ako’y sobrang pagod sa haba ng nilakaran
Tapos sasabihin ninyong ako ay batugan”.
Sa labas ng bahay kubo ang uhaw na lalaki
Ay agad na umalis at mabilis na sumalisi
Sa sobra niyang takot ay di napakali
Dahil sa pag aaway ng pamilyang bingi.
Butones
Bata palang ako ng matuto akong magsulsi, palibhasa’y isa sa naging hanap-buhay ng aking nanay ay ang pananahi, kung kaya’t kahit lalaki ay nagka-interes at natutunan ko din ang magsulsi. Isa sa una kong pinagka-kitaan mula sa sariling pagod ang paglalagay ng butones sa mga yaring siyorts (salawal).
Umiedad anim o pitong taon ako noon, kapag nakakatanggap si nanay ng tahiiin mula sa kanyang pinaglilingkurang patahian ay tinutulungan ko siyang maglagay ng butones. Hindi ko na matandaan kung magkano ang upa sa akin, basta’t ang malinaw sa isip ko ay tatlong piso at singkuwenta sentimo ang ibinigay sa akin ni nanay ng matapos ko ang tatlong dosenang salawal na pambabae. Mula noon tuwing tatanggap ng tahi si nanay ay palagi ko siyang tinatanong kung mayroon siyang pabubutonesan sa akin.
Nawalan lang ako ng ganang magbutones ng malaman ng kalaro ko at ilang ka klase na tumutulong ako kay nanay sa pananahi, naging daan kasi iyon upang ako’y pagtawanan at tawaging bakla. Dahil sabi nila ang mga babae lang ang dapat nanahi at hindi ang mga lalaki.
Hindi naman nagalit si nanay ng sabihin ko sa kanya, naunawaan niya ako, at ang pagiging bata ko. Hindi niya narin ako pinilit at hiniling tulungan siya sa pagbubutones.
Ngunit may isang pagkakataon na napakaraming tanggap na tahi ni nanay na kailangan niyang matapos ng madali, yun yung tintawag nilang rush. Kahit na may karamihan at madaliang tahi ay hindi humingi ng tulong si nanay sa akin, kahit na siya’y may dinaramdam ubo’t sipon at may kataasan ang lagnat. Siguro’y dala narin ng ilang magdamagang pagpupuyat upang umabot sa dedlayn ang kanyang tinatahi. Makakatulugan namin siyang nananahi at makakagisnang nagbubutones.
Araw ng biyernes, huling gabi para sa dalawampung dosenang rush na tahi ng uubo-ubo kong nanay, mag aalas-diyes na hindi pa siya tumatayo sa kanyang makina, hindi na siya maistorbo, hindi na nga siya nakakain at naka panood noong paborito niyang dulang pangtelibisyon. Wala parin ang aking tatay, nag overtime din sa pabrikang kanyang pinapasukan.
Nakatulog kaming magkapatid, na wala pa ang aming tatay, si nanay naman ay sadyang kinarir na ang pananahi, pipikit didilat ko ang aking mata’y pulos tunog nalang ng makinang di padyak ang naririnig ko mula sa sa ibaba ng aming bahay sa kinaroroonan niya…
Mga ilang oras ang lumipas ng makaramadam ako ng panunubig, tahimik na ang paligid, lumingap ako ngunit wala parin sa aming higaan ang aming ama’t ina. Bumangon ako upang pumunta sa aming banyo na nasa ibabang bahay, pababa ako ng hagdanan ng makita ko ang aking nanay na nakadukdok sa kanyang makinang panahi, marahil ay nakatulog siya sa sobrang pagod at puyat.
Napansin kong hindi pa tapos si nanay sa pagbubutones ng kanyang mga tahi na kailangan niyang matapos bago mag alas siyete ng umaga, nilingap ko ang orasan alas onse e-medya na, pagkatapos kong umihi ay kinuha ko ang sinulid at karayom, at sinimulang magbutones.
Hindi ko na ginising si nanay sa kanyang pagkaka dukdok sa makinang panahi, gusto kong tapusin ang mahigit anim na dosenang tahi na dapat butonesan, gusto ko siyang sorpresahin, upang matuwa siya akin.
Lumipas ang kalahating oras at halos matatapos ko na ang isang dosena ng bigla akong antukin, tinungo ko ang banyo at ako’y nag hilamos at nagtimpla ng matapang na kape upang panlaban sa antok.
Muli kong ipinagpatuloy ang aking pagbubutones, natapos ko ang isang dosena, at sinisimulan na ang pangalawa, napapapikit na ang aking mga mata, walang epekto ang matapang na kape sapagkat patuloy parin akong inaantok. Natingin ako kay nanay at sinampal-sampal ko ang aking sarili upang magising at malabanan ang antok, itinuloy ko ang paglalagay ng butones ngunit ilang minuto pa ang nakalipas ay diko na napigil ang tuluyang pagbagsak ng talukap ng aking mga mata.
Hanggang sa ako’y nakatulog.
Naalimpungatan ako sa aking pagkaka-idlip, dahil sa mga tilaok ng manok. Agad akong lumingap sa puwesto ng aking nanay, ngunit patuloy parin siyang natutulog.
Muntik nakong mapasigaw ng may nakita akong malaking mamang naka-upo sa aking gawing kanan at ako’y mabilis na napatayo.
Ang brusko ko palang tatay ang aking nakita at siya ang nag patuloy sa pagbubutones.
“Magtimpla ka ng kape at matatapos na ito, samahan mo tulo’y akong maghatid doon sa patahian”.

Anak ng Paksiw
Paka linising mabuti ang nabiling isda,
Maging ito’y bangus, tulingan o tilapya
Tanggalin ang bituka, pati apdo’y isama
Gayon din ang hasang ng lansa ay mawala
Ihanda na ang suka, na saksakan ng asim.
Maghanda rin ng sili, konting betsin at asin.
Mag balat ng luya at saka hiwain,
O ‘di kaya’y hugasan at saka dikdikin.
May mga tao, na gusto ay may iba
Naglalagay ng talong o kaya’y ampalaya,
Masarap din naman, ayos din ang lasa
At kung isasahog, dagdag pa sa sustansiya.
Ilagay sa palayok ang malinis na isda,
Ihulog din ang luya, talong at ampalaya,
Lagyan konting tubig at ibuhos ang suka
Budburan konting asin at betsing pampalasa.
H’wag kaliligtaan ang pamaksiw na sili
Na sabi ng iba’y “masarap kulay berde”
Takpan na ang palayok at isarang mabuti,
Isalang sa kalan at sa apoy ay idaiti.
Maghihintay lamang, mga ilang minuto
Huwag maiinip, sandali lang maluto
Takip ‘wag bubuksan, hintaying kumulo
Para suka’y di mahilaw at maluto ng husto
Kung labinlimang minuto ay umabot na
Silipin ang palayok at titigan ang isda
Kapag mata nito’y puti o labas na
Pwede ng patakan ng konting mantika
Muli pong pakuluan mga ilang sandali
Tapos ihain na may kasamang ngiti
Mag ingat sa pagkain at baka nyo madali
Yung tinik ng isda o yung sinama nyong sili.
ang tula kong ito ay isinali ko at nagwagi ng "Gawad Makata ng Edukasyon 2012" patimpalak ng Mga tula at kwento: Bahaghari ng Kaisipan |
Maging ito’y bangus, tulingan o tilapya
Tanggalin ang bituka, pati apdo’y isama
Gayon din ang hasang ng lansa ay mawala
Ihanda na ang suka, na saksakan ng asim.
Maghanda rin ng sili, konting betsin at asin.
Mag balat ng luya at saka hiwain,
O ‘di kaya’y hugasan at saka dikdikin.
May mga tao, na gusto ay may iba
Naglalagay ng talong o kaya’y ampalaya,
Masarap din naman, ayos din ang lasa
At kung isasahog, dagdag pa sa sustansiya.
Ilagay sa palayok ang malinis na isda,
Ihulog din ang luya, talong at ampalaya,
Lagyan konting tubig at ibuhos ang suka
Budburan konting asin at betsing pampalasa.
H’wag kaliligtaan ang pamaksiw na sili
Na sabi ng iba’y “masarap kulay berde”
Takpan na ang palayok at isarang mabuti,
Isalang sa kalan at sa apoy ay idaiti.
Maghihintay lamang, mga ilang minuto
Huwag maiinip, sandali lang maluto
Takip ‘wag bubuksan, hintaying kumulo
Para suka’y di mahilaw at maluto ng husto
Kung labinlimang minuto ay umabot na
Silipin ang palayok at titigan ang isda
Kapag mata nito’y puti o labas na
Pwede ng patakan ng konting mantika
Muli pong pakuluan mga ilang sandali
Tapos ihain na may kasamang ngiti
Mag ingat sa pagkain at baka nyo madali
Yung tinik ng isda o yung sinama nyong sili.
Toink
I show this photo to my three year old daughter after editing and i ask her what is this, she gave me a grin and said . . . " toink, toink, toink..."
Tsope!
Bakit ba hindi maamin ang tunay na damdamin
At hindi ko masabi na ikaw ay itinatangi ko, dito sa puso ko
Bakit ba naduduwag at hindi maihayag, na ikaw lang palagi
Sa buhay ko’y nag mamay-ari, at maging ang isipan, ay ikaw lang ang nilalaman
Gusto kita
Hindi mo ba nakikita?
Gusto kita
Hindi mo ba nadarama?
Sana ay malaman mong sa isip ko’y walang iba
Sana ay maramdaman na . . . Itinatangi kita. . .
Bakit ba walang masabi sa tuwing tayo’y magtatabi
At hindi maka imik sa tuwing tayo’y maglalapit,
Ngunit sa tuwing iidlip ay laman ng bawat kong panaginip. . .
Gusto kita, sana ay ‘yong madama . . .
Gusto kota sana ay ‘yong Makita . . .
Gusto kita.
Sana ay malaman mong sa puso ko’y walang iba. . .
Sana ay maramdaman na . . . iniibig kita.
(kanta 'to... ginawa ko noon pang year 2000, ngayon lang ako nagka interest na i-publish)

Subscribe to:
Posts (Atom)