Kulang ang mga bituin kung ating bibilangin,
maging letra ng alpabeto upang isalarawa’t sukatin
ang kaligayahan itinatago at ang mga saloobin
na sapilitang ikinukubli at pilit na inililihim.
Iniuurong man nang iyong matabil na dila
ang nararamdamang sapantaha’t hinuha,
datapwat hindi maitatangi ng iyong mga mata
ang lungkot o kaligayan na iyong nadarama.
Hindi lang ngiti, hindi lang iyak o tawa,
hindi lang basta sa kilos makikita’t mababasa
ang niloloob mo’t tunay na nadarama.
Maging lungkot, maging hirap at maging saya
hindi maikukubli
hindi maitatanggi
hindi maikakaila
hindi basta madadaya
Dahil sa mata makikita.
nice poem... Daming poet sa blogosphere... Galing ninyo!
ReplyDeletesalamat po sir
ReplyDeletegaling talaga ni kuya! Idol!
ReplyDeletebakit ang lasenggera... walang update
Deleteso true, nice post :)
ReplyDeletetama! ang mata ay bintana ng kaluluwa,ika nga nila......ito ay magandang tula mula sa malikhaing isip ng may-akda.....
ReplyDeleteang ganda ng tula, ikaw na poet! :)
ReplyDelete...at ang cute ni elmo!!
So nice..true! Galing nito sir mel
ReplyDelete