kuha ang larawan sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko mga ilang oras bago lumapag sa Ninoy Aquino International Airport - March 2010 |
Humawak ka sa akin,
ipikit ang iyong mata
Halika’t subukan nating
lisanin ang problema.
Kumapit kang mabuti
huwag kang bibitiw,
Lungkot ay iwaksi
at tayo’y magliwaliw.
Subukan nating lumipad
at maglaboy sa ulap,
Mahawakan sa’ting palad
ang matagal ng pinapangarap
Bahaghari’y tutulayin
gagawing tambayan
Mga ibo’y hahabulin
at makikipag unahan
Takasan natin ang mundo
kahit sandali lang
Iwanan ang problema
Halika samahan mo ko…
tara! kelan ba tayo gagayak. hehe
ReplyDeleteaus sa tula pre...
damang dama naman, kung pwede lang talagang iwanan ang problema no, anganda ng kuha ng mga ulap, parang cotton candy lang hehe!
ReplyDeleteAwww...ganda po ng poem..so smooth..sarap balik-balikan...thumbs up aq d2..
ReplyDelete