Idol

Muntik na akong ma-ospital noong isang araw,
Muntikan na kasing mabali ang aking buto,
Buti na lang ang latay ay hindi masyado
Paghambalos nang buhok ng lola nyo
Ang haba ng hair ay sobrang-sobra,
Mala Rapunsel ang naging drama,
Ang romantikong si Robin Padilla.
Ang mga baduy ay nagsipanood,
Ma pa TV man at maging sa YouTube
Pati tuloy akong di naman jologs,
Napa silip ng mai-post sa Facebook.
Aydol ko si Binoy...
kahit noon pa man,
Kaya diko man gusto ang usapan
Basta't si Bad Boy ang involve sa kwentuhan,
 pipilitin ko itong pagtiyagaan..


1 comment:

  1. korek kahit ako inabangan ko yan!!! baduy man pero wala magawang pusong pinoy! at love ko si binoy lol! nice one maxie!

    ReplyDelete