laboy

kuha ang larawan sa bintana ng eroplanong sinasakyan ko mga ilang oras bago
lumapag sa Ninoy Aquino International Airport - March 2010 
Humawak ka sa akin,
  ipikit ang iyong mata
Halika’t subukan nating
    lisanin ang problema.

Kumapit kang mabuti
  huwag kang bibitiw,
Lungkot ay iwaksi
    at tayo’y magliwaliw.

Subukan nating lumipad
  at maglaboy sa ulap,
Mahawakan sa’ting palad
    ang matagal ng pinapangarap

Bahaghari’y tutulayin
    gagawing tambayan
Mga ibo’y hahabulin
      at makikipag unahan

Takasan natin ang mundo
   kahit sandali lang
     Iwanan ang problema
       Halika samahan mo ko…

3 comments:

  1. tara! kelan ba tayo gagayak. hehe
    aus sa tula pre...

    ReplyDelete
  2. damang dama naman, kung pwede lang talagang iwanan ang problema no, anganda ng kuha ng mga ulap, parang cotton candy lang hehe!

    ReplyDelete
  3. Awww...ganda po ng poem..so smooth..sarap balik-balikan...thumbs up aq d2..

    ReplyDelete