Mainit-init pa

Sobrang init...

Naranasan mo na bang mag kape sa katanghaliang tapat sa ilalim ng tirik na tirik na araw?

Pagpawisan ng malagkit habang naliligo?

Humithit ng yosi sa gitna ng disyerto habang umiinom ng mainit na tsaa?

Mamatayan ng sasakyan at masiraan ng A/C sa kalagitnaan ng buhol-buhol na trapik habang nasa kainitan?

Sumubo ng bagong lutong kanin at humigop ng mainit na sabaw pagkatapos magbasketbol?

Maglakad ng ilang kilometro na walang sapatos o tsinelas sa mainit na aspaltong daan?

Mag pala at maghalo ng simento o mag bilad ng palay ng naka hubo't hubad?

O di kaya'y lumangoy ng backstroke sa kumukulong sopas?

Ano sa tingin mo,
subukan natin...
para maiba lang?

6 comments:

  1. to follow my blog? click mo lng ung picture ko sa followers mo from there you can find a link to follow me. but you don't have to do this... it's ok! i just love your poems. ;)

    ReplyDelete
  2. Magpapak ng kape saka higupin ang mainit na tubig...Pwede??........
    hehehe..

    ReplyDelete
  3. playing guitar?! minsan lng po... not that good... but i do. ;)

    ReplyDelete
  4. parang ayoko na din minsan ng change ..wahhahha

    ang sarap nung picture.. yum yum ..hehe

    ReplyDelete
  5. yamot lang yun ipis sa sopas...

    ReplyDelete
  6. huh... galing mo tlaga....

    ReplyDelete