hangober

Talab parin ang alak na nilaklak kagabi
Maasim ang sikmura at hindi mapakali
Umiikot ang paligid at parang natatae
Tinatanggal na pilit sa matapang na kape

Naipulutan ko pa nga babaunin kong ulam
Ngayon ay ngumunguya’t nagtitiyaga sa bubble gum
At pipiliting hindi isuka ang laman ng aking tiyan
Kahit nahihilo o naduduwal dahil sayang naman

Di ko na maalala kung nakailang bote
o kung ano-ano ang aking pinagsasasabi
Basta’t alam ko lang kahit papano’y hapi
Kahit ngayong ang sakit na ulo ko ay sobra ang tindi

Amoy parin ang alkohol sa aking hininga
Maging sa’king pawis ito’y sumasama
Di kinaya ng ligo, toothbrush ay di umubra
Iba talaga ang lakas at tapang ng tinoma

Sa hirap na dinaranas ng dahil sa puyatan
maghapong parusa ang magdamag na tomaan
ngunit kung tatanungin, kung muli bang susubukan
di na magdadalawang isip, aba’y syempre naman

dehins

lahat ng paratang
lahat ng bintang
lahat ng pangungutya
lahat ng panunukso
nagsalita ba ako?
hindi...

lahat ng alingasngas

lahat ng nag-hangas
lahat ng nag-matapang
lahat ng walang galang
sa damdamin ng iba
pinutalan ko ba?
hindi...

lahat ng tumira

lahat ng patutsada
lahat ng walang modo
lahat ng di edukado
na ngayo'y nakikiusap
pagbibigyan ko ba?
syempre,
hindeeee!

suka ka nang suka

‘di kamo masikmura
tira ka ng tira 
dahil tamang hinala
pero bakit ngayo’y
nagmamaka-awa
makikinig ba ako?
hindi…

dahil sa galit mo pare

kay dami mong sinabi
at nakisasaw narin 
pati hindi kasali
Matanong ko lang 
kilala kaya ni kumare
‘yang umeepal mong babae
Syempre… hindi

tawagin n’yo na ako

kung ano ang gusto n’yo
kahit pa ipagkalat
na ako’y isang bakla
pero hindi kailan man
hinding-hindi kailan man
kakainin ang nailuwa

photowalk


nag-aaral ng Street Photography

wala daw problema kung dead center ang subject
: sagot ko hindi sa lahat ng pagkakataon

wala daw problema kung nilagyan ng vignette
: sagot ko dipende sa pagkaka-edit at sa pagkakalagay ng vignette

wala daw problema kung staged o alan ng subject na kukuhanan
: sagot ko, hindi ko trip at hindi ko na pipitikan kung alam at naka pose ang subject
(kaya nga may kasabihan sa street photography na "be invisible" at saka sana nag Portraiture nalang)

wala daw problema kung zoom lens ang gamit
: sagot ko nawawala yung excitement pag tiradang duwag ang gagawin ko

pwede daw ba akong magpakita ng mga sample na kuha kung papasa sa kanilang panlasa
: sagot ko, sorry pero hindi ako nag-aaral ng Street Photography para i-satisfy ang mata at panlasa ng ibang tao ginagawa ko ito dahil gusto ko at dito ako ngayon nag e-enjoy..

KSP (:
kabayan street photography


"Mga Yobab’s"

anong alaga mo biik ba?
bansot, payat o mataba?
sinong binoto mo, ok ba?
si pogi, si seksi o ang matanda? 

anong ulam nyo baboy ba?

porkchop, adobo o nilaga?
anong palusot nila sa madla?
pekeng NGO, at pirmang ikinakaila.

natawa naman sila at kami,
sa mga litanya n’yong pambata..
naiinis na talaga sa inyo ang marami
sa kasinungalingang halatang-halata.

marami ang naghihirap sa pinas,
ngunit lumalaban parin ng patas
pero papaano na ang nakararami
kung ang bumababoy ay mismong mambabatas?

~amoypawispartylist

Dreams

Stolen moment how I miss the time
to be with you and ask, “Will you be mine?”
In my mind, you’re always there
anytime, every minute and everywhere.

Every time I fell asleep,
I see your face, your smile so sweet
I hear your voice that makes me chill.
Flows through my veins, I softly feel.

I want to lie down on my bed
and have this dream forever
I want to be with you forever.

When the night is at the end
the morning light will come and stand,
you still conquering my frozen mind
and I’m still wishing that you would be mine.

Co’z dreaming is the only way to be with you,
in my dreams, you are mine and you love me too.
I may be crazy wishing such things
but in my dreams, everything comes true


sa maniwala kayo't sa hindi kanta po ito na naisulat ko mga 20 years ago na ang nakakaraan.
Chords will play: as if may magkakainteres na tumugtog...
C - G - F  - G (stanza)
F - G - C- (Chorus)

yosi


Hithit buga, hithit buga
Ano ba ang iyong napapala?
Kung  hindi ang ubuhin ka
At masira ang iyong baga.

Hithit buga, hithit buga
Kailan ka ba magsasawa?
Kung ikaw ba ay may sakit na,
At nahihirapan sa paghinga?

Usok doon, usok dito
  Pa’no mo ba matatanto?
Na walang maidudulot na mabuti,
ang paghithit mo ng sigarilyo?

Patay, sindi, hithit uli
Sinasayang lang ang salapi
Gumagastos ka ng pera
Upang buhay mo ay madali

Patay sindi’t hithit buga
Anong magandang halimbawa,
Ang iyong maipapakita,
Sa anak mo’t ibang bata?

Usok dito, usok diyan
Nadadamay pa ang ilan
Na nag-iingat magka sakit
Pero ika’y walang paki alam

Usok, sigarilyo’t yosi
Kahit ano pang itaguri
Walang maidudulot na mabuti
 Sa kapaligaran man o sarili.


Pinkish

Lately bukod sa karaniwang pagkuha ng larawan ng mga bagay-bagay na ipinatong sa lamesa o ibinilad sa ilalim ng araw o ng mga tao na ginagawa naming subject sa klase, medyo nag-eenjoy akong kumuha ng mga larawan at mga pangyayari sa lansangan, Street Photography ba?

Nagbasa ako ng blog, kaunting research, tumingin sa kuha ng iba na kumukuha din sa kalye, nag join sa mga mga FB group ng Street Photog... pero ang napansin ko lang, katulad din noong conventional photography na nakasanayan na nating makita at gawain, sa huli ay di-depende parin sa audience kung magagandahan o babalewalain lang ang mga larawan na kanilang tinitingnan at nakikita, subjective kung baga. May mga taong mapapa "wow" sa isang kuha mo at mayroon namang deadma lang, at kung minsan yung sa tingin mong walang kwentang litrato, sobrang maa-appreciate naman ng iba. Alam nyo 'yon? Parang sa tao lang, na ang ganda ay nasa tumitingin.






Katulad na lamang ng kuha kong ito.
na hindi pumasa sa panlasa ng ilang kritiko at henyo sa street photog sa isang FB group wala daw makitang nangyayari sa loob ng frame. At kahit nga yung ibang klasmeyt ko sa photog at ibang kakilala ay nagtaas ng kilay, pa-atras na daw ba ang nalalaman ko sa photography at bakit ko ito kinuhanan at ipinost sa FB?

Para na aliw lang naman ako sa  kulay PULAng pedestrian sign na naka-terno ng kulay PULAng suot noong mga babae sa itaas na masasakit ang puson. Na kakulay naman noong kulay PULAng sirang payong ni ate. At nagkataon naman na kulay PULA pa ang ilaw ng stop light kaya nakuhanan ko ito habang nakahinto ang sinasakyan ko.

Pula kaya ang paborito kong kulay... kaya nga PINK ang pangalan ng anak ko eh. ( :


Teka nabanggit ko naba na kulay PULA din ang wallet ni ate?

basa kana ba?


kailan ba titila
o muli bang bubuhos?
ang hirap na dinaranas
kailan ba matatapos?

walang pasok sa iskwela
dahil basa ang pisara
naudlot na naman tuloy
pag-aaral ni utoy at nena

walang pasok sa trabaho
dahil baha hanggang kanto
natigil na naman tuloy
pag unlad ng Filipino

kanya-kanyang katwiran
kanya-kanyang dahilan
kanya-kanyang diskarte
kanya-kanyang turuan

kailan ba huhupa
o may panibago bang dadating?
sugatan na sa alipunga
ang mga paa namin!

nagmahal ang mga bilihin
dahil lubog ang palengke
nabawasan na tuloy
ang savings ni kumpare

dahil lumubog ang pananim
nagmahal din ang gulay
nabuksan na tuloy
ang alkansya ni Inay

kanya-kanyang paraan
kanya-kanyang sisihan
kanya-kanyang bigayan
kanya-kanyang damayan

kailan ba hihina
o muli bang lalakas?
sa hirap na dinadanas
kailan makakatakas?

tsito


alfonso chito miranda bokalista ng isa sa paborito kong banda, ex ng crush kong artistang dating taga tabing ilog na sa boses niya'y nahulog..medyo nabadtrip ako noon kay tsito nang mabalitaan kong syota nya na si ponyang piling ko ako'y inagawan "sayang bakit hindi kasi niligawan"...Kuha ang larawan sa Indian Highschool in Dubai Oct. 2012



public service no.1 (extendted version) by PNE
album: buruguduystunstugudunstuy

Maghugas ng kamay pagkatapos mong kumaen
maghugas ng kamay pagkatapos mong kumaen
kung walang panghugas ay gumamit ka ng tissue
kung wala ng tissue ay gumamit ka ng bimpo

Maghugas ng kamay pagkatapos mong Tumaen
maghugas ng kamay pagkatapos mong Tumaen
kung walang panghugas ay gumamit ka ng tissue
kung wala ng tissue'y magtiyaga nalang sa dahon

Maghugas ng kamay pagkatapos mong Tumae
maghugas ng kamay pagkatapos mong Tumae
kung walang panghugas ay gumamit ka ng tissue
kung wala ng tissue ay gumamit ng resibo

maghugas ng kamay...

Keep the doctor's away



one of my classmate in basic photography curved this when we have
our apple activity... i found the subject very interesting so i took the
opportunity to take a snap on it and this is what i captured. 
For all the best
another test
another pain
another needle inside my vein...

Another medication
additional miles to run
to control the situation
for fats to burn...

A few glass of spirit is fine
just avoid heavy drinking
a moderate brandy and wine
and it's better to stop smoking...

Another food to avoid
additional day to starve
it's good to be not paranoid
but it so fucking hard!


I was afraid when i found out that my blood pressure is very high, i made a date with a cardiologist and he  sent me to a various test when he found that there is some abnormality in my heartbeat...
After he prescribed an expensive medicine that i need to purchase every month, i decided not to eat rice, not to drink soda, i dropped the fast food things and avoid salty and oily food... and of course since then i tried to walkjogrun for 3-4km everyday.. now it's almost a month and i already loss 1.5kg. 

Saan Pupusta si Rizal?


    Heat o Spurs ang mainit na usapan
    Kay dami ng salapi ang sangkot sa pustahan
    Sa isang exciting at magandang laban
    Na siguradong matinding pisikalan at patayan

    Di naman malaking tagahanga ng Miami,
    ... Ni LeBron James o ng kanilang Big-3
    Pero sa kanila parin ako kakampi
    At hindi Kay Manu, Timmy at Tony

    Kahit anong husay ng coach nilang sundalo
    Kampi parin ako sa dugong pinoy na si Spo
    dahil karangalan kahit na papano
    ang maibibigay nito sa mga Filipino...


    Kung buhay si Rizal at
    nanood ng laban ng 2012-2013 championship sa NBA ‎#Miami at ‎#SanAntonio
    malamang na pupusta rin siya sa
    MIAMI.. (sa tingin ko lang ha!)
    iyon ay hindi dahil sa Big 2-1/2 nila o kay tatang Ray Allen at mas lalo namang hindi sa naka mohawk na si Birdman..

    Malamang na pumusta ang ating pambansang bayani sa MIAMI, dahil kababayan niya ang lolo't lola ni Erick Spo.. (pa'no nga ba ang ispeling?)


    HAPI BERTDEY.. mang PEPE
    salamat sa mga naitulong mo sa ating mga kababayan at bansang aking sinilangan

    Nag-iinit kana ba?


    isa sa mga ipinasa kong larawan sa aming photography class activity: kuha ito sa kahabaan ng Shaikh Mohammad Bin Zayed Road (Emirates Road : old name) Sharjah/Ajman UAE

    Gagawa sana ako ng isang sulatin
    Patungkol sa ating haring araw
    Maikling istorya na pwedeng basahin
    o isang awit na pwedeng isayaw

    May nagrereklamo kasi sa hatid nyang init
    malagkit daw na pawis at bungang araw
    sun burn, rashes o hadhad sa singit
    at putok sa kilikiling umaalingasaw

    Ngawit na ang kamay sa ka papaypay
    agihap sa labi, sa nguso’y may singaw
    mahapdi na ang balat at tuyo na ang laway
    marami na rin nag-aamoy bakulaw

    Ngayong nagdurusa sa labis na init
    napapa iling nalang sa lupit daw ng araw
    Panay ang sipol upang hangi’y umihip
    bakit di subukang kayo’y magbalik tanaw

    Pumutol ng pumutol noon ng kahoy sa gubat
    Tirahan ng mga hayop ay ating ginalaw
    Kinuha ang troso, sa bundok nagmina’t
    ginawang negosyo, sa pera’y nasilaw

    Nagtayo ng bahay, at subdibisyon
    Ang mga mayayaman at mga buwakaw
    Binalewala ang susunod na henerasyon
    masunod lamang kanilang kapritso’t layaw

    Usok ng sasakyan at mga pabrika
    ay dahilan din ng matinding uhaw
    Mabuti pa noon sa bukid na walang makina
    ang transportasyon nati’y kabayo’t kalabaw
     
    Ngayon, ay dapat nga ba nating sisihin
    ang siyang nagsisilbi nating tanglaw
    hindi ba’t kasalanan din naman natin
    Kung ba’t sobrang umiinit sa mundong ibabaw?

    inspired by DONG ABAY's 
    Tawagin mo ang hangin o kaya ang ulan o gumawa ng paraan para malamigan. 
    Huwag na huwag mo lang akong susumbatan dahil araw-araw kitang aarawan. - Araw



    Kaberdehan

    Add caption

    Mga gusto kong kulay green

    Fastfood:
     Pizza at lasagna ng Greenwhich

    Gulay at prutas:
     kamote (anong kulay ang talbos?)
     Atyesa (anong kulay pag hilaw?)
     Saging at ubas (diba may green din?)

    Movie 2:
     The Dreamers (dahil bida si Eva Green at napakarami niyang daring at nude scene, sobra blondie lahat ng buhok)

    Artistang babae:
     Drew Barrymore (dating asawa ni Tom Green, oo pinatulan niya ‘yon)

    Model
     Vida Verde (oo model sya nakita ko sa magazine ng tito ko yung “DALAGA”, barkada nila Joy Sumilang yan at George Estregan)

    Artistang lalake:
     Piolo Pascual (matunog na matunog ang balita na berde ang dugo ni pampam P)

    Movie 1:
     La Salle sex scandal (syempre dahil sila’y mga Green Archers)

    Kanta:
     Don’t touch my berdi (kinakanta ng kapit bahay naming class B - kanta ng Parokya ni Edgar)

    Banda:
     Grin Department (local) at greenday (foreign)

    Singer:
     Tom Jones (yung kumanta ng Green green grass of home)

    Superhero(s):
     Green Lantern(kahit walang parol)
     Green 2 – (barkada ni Red one at Blue three)

    Villain:
     Green Gobil’n (kalaban ni Spider-Man, tama ba?)

    Insect(s):
     Green Hornets

    Kumkain ng Insect(s):
     Kermit the frog

    Martial artist:  Bruce Lee – (nasa original na Green Hornets)

    Basketball player
     Larry Bird yung pinsan ni Big Bird (dating Celtics, kulay green ang uniform?)

    Body Builder:
     Bruce Banner (laki kaya ng katawan ni Incredible Hulk)

    Miscellaneous
     Kryptonite (eto ang magpapatunay na tuli si Superman dahil ito lang ang nakakasugat sa kanya)

    pader

    Heritage Village in Dubai, our group's grand photo walk Feb. 22, 2013
    Ms. Bench Montilla is the accidental model (she is not aware of my shot) 

    Ang Tasa


    Ang tasa
    para sa kape at tsaa
    pwede din sa mga juice
    o malamig na coca-cola

    Sa salabat na mainit
    sa gamut na mapait
    o sabaw ng tinola
    at lugaw kong favorite

    Mukhang naka pamewang
    kala mo’y pang mayaman
    Ngunit mga tambay sa kanto
    kung minsan ding tagayan

    Gamit sa pagdi-dyeta 
    upang sa rice hindi sumobra
    pantakal din ng negosyante
    at pansukat ng kusinera

    Para sa mga dukha’t mga alta sa syudad
    at kahit pa musmos o matanda’t ma-edad
    pwede sa mga pulitiko
    o kahit sa bumoboto
    walang pinipili
    walang sinisino… ang tasa

    Love month

    It's been a while since i posted my last blog... masyadong busy, dami kasing pinagkaka- abalahan.
    Bukod pa sa trabaho, ay busy sa pagtuturo ng basic IT course at basic photography class sa isang samahan ng mga Pinoy na tumutulong sa ating mga kababayan at kami ay nagsasagawa ng ibat-ibang training para madagdagan ang kaalaman ng ilang kabayan.

    pagdamutan nyo muna itong aking post.. larawang isinali ko sa patimpalak kung saan ang tema ay
    "FROZEN DELIGHT" medyo bagay ang kulay at ang hugis sa buwan ng pag-ibig kaya naisipan kong i-post.