(Handa namin dito sa Ajman UAE. . . noong pasko, may dalawang blangko hindi ko na kasi inabutan yung Imbotido at Leche Plan... MALIGAYANG PASKO)
Gusto kong sumulat, magkuwento, magsalaysay, komundena, bumatikos, pumuna, magpayo, magtanong, magbahagi at humingi ng konting kaalaman at nalalaman, mahilig akong sumulat ng kwento, nang awit, nang tula,kumuha ng larawan, tumugtog ng gitara, nais kong magbigay ng kahit na maliliit na impormasyon upang makatulong at maging inspirasyon. Isa akong tagahanga, na may mababaw na kaligayahan, malimit na mapanganga at pumalakpak, maiyak kahit na sa simpleng bagay lamang, iyan ako at ito ang blog ko.
Undas
(kuha ang litrato sa likod ng aming tirahan sa UAE... gamit ang bago kong biling lente ef 50mm f1.8 II)
Undas. . . ang aming paraan ng pag alaala sa mga yumaong mahal sa buhay, Kahit na kami ay nasa malayong lugar. Ika-isa ng Nobyembre, taong dalawang libo't sampu, ganap na ala sais y media ng gabi.
Tatay,
Tatay na ko, mayroon ka naring matatawag na apo sa panganay mong anak.
Bagama’t hindi niya ma isasalin sa kanyang mga magiging anak ang ipinamana mo sa aming apelyido, isinama ko naman sa pangalan niya ang pangalan mo.
Pinalitan ko lang ng letrang “E” yung dulo ng Maximo, para maging tunog pambabae.
Sayang hindi mo na inabot at nakita kung paano sumayaw at kumanta yung apo mo na nagmana yata sa iyong talino.
Pero sana ‘wag magmana sa pagka sintunado na namana ko sa iyo.
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng maging isang ama, ramdam ko na rin ang kurot sa dibdib kapag nakikita mong mas malapit pa sa ibang tao ang iyong anak.
Na para bang takot na takot sa iyo ni ayaw magmano o humawak.
Oo alam ko ganoon din ako sa iyo noon, dahil mas gusto ko pang sumama kay lola kaysa sa inyo, diba?
Masakit din pala.
Kapag nakikita mong mas masaya pa ang panganay mo na nakikipaglaro sa ibang tao at masayang masaya, pero mag-ii iyak kapag ikaw ang kasama.
Talaga yatang ganoon ang buhay, kung ano ang ginawa mo noon ay siya ring mangyayari sa’yo pag dating ng panahon.
Ito lang ang pinapangako ko sa iyo Tay, lalaki ang apo mo na kilala at ipag mamalaki kung sino ang kanyang lolo.
Maligayang Kaarawan,

Lipistik
Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako noon, basta ang alam ko si nanay katulad ng karamihang maybahay ay lagi ring nag-iisip ng paraan upang makatulong kay tatay, para madagdagan ang kakarampot na kinikita na pilit niyang pinagkakasya upang maitawid lang ang aming pangangailangan sa pang araw-araw na buhay.
Bukod sa pananahi at pag sideline na paglalabada sa aming kapit-bahay, nagtinda s'ya nung mga pampaganda, pampabata, pampakinis ng balat, sabon, syampu, mga kulorete sa mukha.
Yun bang may ipapakita siyang booklet, mga larawan, brosyur sa kaniyang mga kumare at mga kaibigan,
ka kilala, aalukin niya at kukumbinsihing bumili ng kahit na anong produkto.
Kahit nga mukhang wala na ni katiting na pag-asang gumanda ang isang parokyana ay na bebentahan pa ni nanay.

Mayroong isang pagkakataon na maraming inuwing kalakal ang aking nanay sa aming bahay mga panindang order sa kanya,
at habang abala siya at ang aking nakababatang kapatid sa panonood sa aming maliit na telibisyon ay umandar ang aking kyuryusidad at kalikutan,
naisipan kong halungkatin ang mga plastik bag na dala ni nanay na nakapatong malapit sa aming tukador. Binulatlat, hinalungkat, tiningnan ko ang bawat produktong naka paloob sa mga supot na iyon.
Mga kulorete, bra, panty, pabango, pampahid sa kilikili at kung ano-ano pang gamit pambabae,
ngunit isa lang ang naka agaw sa aking pansin, yung ipinapahid sa labi, kulay pula na amoy at lasang mansanas.

Dahil sa bata pa nga ako noon kinuha ko ang lipistik sa isang plastik bag at sinubukan kong magpahid sa aking labi't nguso. . .
Subalit ng aking maamoy ay kung bakit naisipan kong dilaan ang aking hawak-hawak, noong una'y patikim-tikim lang ang aking ginawa ngunit hindi naglaon ay kinagat ko na't kainin ang hinayupak dahil lasang mansanas.

Habang abala sila sa panonood ng TV, ako nama’y nagmimiryenda ng lipistik.
Nang matapos na ang panggabing dulang pantelebisyong sinusubaybayan ng aking ina ay halos naubos ko na ang ikatlong piraso na aking hawak-hawak.
At nang kanya akong makita ay napalahaw ito sa galit, at kan'ya akong pinagkukurot sa aking tagiliran,
galit na bigla nalamang siyang naiyak.
At nang kanya akong makita ay napalahaw ito sa galit, at kan'ya akong pinagkukurot sa aking tagiliran,
galit na bigla nalamang siyang naiyak.
Nasa ganoon kaming sitwasyon ng dumating ang aking tatay mula sa kanyang trabaho.
Nagtanong…
Pagkatapos mag-usisa at malaman ng aking ama ang dahilan ng pag-iyak ng aking ina ay gigil na gigil akong pinaghahampas ng dala-dala niyang maliit na tuwalya.
Hampas, hambalos, hataw. . .
Napansin ng aking ama na hindi ako masyadong nasasaktan sa ipinapalo niyang maliit na tuwalya,
Kaya tinanggal ang kanyang mumurahing sinturon at iyon ang ipinanghampas sa akin.
Katulad ng dati, walang dapa-dapa, hagupit lang ng hagupit kung saan tatamaan.

“Hindi mo ba alam na napaka mahal ng mga ito,” patuloy sa paghagulgol ang aking nanay.
Habang ang aking tatay naman ay galaiting-galaiti na panay ang pagwasiwas ng kaniyang lumang sinturon.
Habang ang aking tatay naman ay galaiting-galaiti na panay ang pagwasiwas ng kaniyang lumang sinturon.
May magagawa ba ako…
Kung hindi ang umiyak, dahil sa sakit ng latay ng hagupit ng sinturon…
Umiyak dahil sa awa sa umiiyak kong ina,
umiyak sa sobrang takot sa galit na galit kong ama.
Kung hindi ang umiyak, dahil sa sakit ng latay ng hagupit ng sinturon…
Umiyak dahil sa awa sa umiiyak kong ina,
umiyak sa sobrang takot sa galit na galit kong ama.
Natapos ang gulpihan at iyakan sesyon,
magdamag akong hindi nakatulog,
dahil sa hapdi ng mga latay ng luma at mumurahing sinturon.
magdamag akong hindi nakatulog,
dahil sa hapdi ng mga latay ng luma at mumurahing sinturon.
Nang sumunod na gabi pagdating ni tatay ay may bitbit itong isang supot,
nagmano kaming magkapatid sa aking ama at pagkatapos ay inabot niya sa amin ang
supot na may lamang . . .
BAYABAS,
nagmano kaming magkapatid sa aking ama at pagkatapos ay inabot niya sa amin ang
supot na may lamang . . .
BAYABAS,
“Wala pa akong pera, saka ko na kayo ibibili ng mansanas, pagsweldo” (wakas)
Endless Love
(nakita ko 'tong biseklata na 'to naka park sa harap ng office, diko 'lam kung paano/saan ko gagamitin yung litrato kaya in-edit ko nalang.)
Medyo nalalakas ang kunsumo ko sa gasolina, sabi ko sa utol ko. Bumili kaya ako ng motor, tutal wala namang pumapasok na pulis sa loob ng free zone, meron man madalang, walang sisita sa akin. Kung ayaw mong ma-GAS-tusan sa pang gasolina, eh di mag Endless Love ka na lang...
Ulam
Nasubukan mo nabang mag ulam ng deep sea,
Sawsawan ay kamatis o sukang may sili,
Sawsawan ay kamatis o sukang may sili,
Sa adobong karne pwede itong pang halili
Pagkain sa umaga, sa hapon o gabi..
Ang deep sea po ay hindi isang lamang dagat
Sa bangus o tilapia di pwedeng itulad
Ngunit sadyang may natatagong sarap
Kaya laging inuulam ng dukha’t mahirap
Ito po ay fish cracker o isang uri ng chitchiria
Sa suking tindahan ay piso lamang ang isa,
Ang hitsura ‘t lasa ay para ding Lala
Ngunit ang presyo ay kayang kaya ng masa.
Palibhasa ako’y sa squatter lumaki
Kaya naranasan ko ding mag ulam ng deep sea
Ngunit sa kanyang amoy di ako nawili
Pagkat ka amoy nito’y di hugas na pu_@#%
Basti
(photo : December 04, Rakrakan Fest 2009)
Kailan ba magigising ang "NATUTULOG KONG MUNDO", sa mapanlinlang at makapangyarihang "HALIK ni HUDAS". . . ?
strawberry fields . . .
We went to Baguio City summer of 2010, spent an evening with my wife's relative and even though we had a not so very nice experience, as my newly purchase mobile were stolen on my camera bag, we manage to enjoy the trip. Our last destination before going back to Bulacan was the "strawberry farm" and as a photography learner i captured this scene, i did some editing in photoshop.
Futile
Waiting . . . for the time to come
Reminiscing . . . but feelings gone
Hoping . . .to be with someone
Praying . . . that you’re still the one
Counting . . . all the passing days
Wishing . . . we will cross our ways
Wanting . . . you hear me, say
“I love the way you look today”.
Wandering . . . and wondering
Probing . . . I keep on searching
Convincing . . . myself as a human being
That I have to keep on trying
Trying . . . to ease the pain
Pleading . . . but the scars remain
Lingering . . . thru your wounded vein
Despaired like a desert with pouring rain
Loving . . . is a continuous process
Forgiving . . . is out of your interest
Hating . . . will not be the best
But you will always be my dearest.

Seryoso
Malalim ang iniisip at bubulong-bulong sa sarili.
“Kung hindi ko lang sana ginawa ýon, 'di sana nagka-ganito”(tsk—tsk—tsk-)
“Dapat kasi hindi ito... Dapat yung una kong plano ang sinubok ko.”(sayang)
“Papaano pa?”
“Papaano na?”
“Kahit sino siguro ang nasa katayuan koý wala ng maiisip na iba pang paraan para malunasan ang ganitong klaseng sitwasyon at problema,” (don’t give up)
“Bahala na, kailangang kumilos. . . Bago pa maubos ang oras ko at maging huli ang lahat.” (alert)
“Pero sandali . . . mukhang kahit na anong gawin koý, parang lalo lang madaragdagan at lalaki ang problema.” (useless)
“Kailangan na talaga sigurong magsakripisyo para maka-iwas sa mas malalang sitwasyon,”
“Ngunit papaano nga? Kailangan pa bang magka-ganito, kailangan pa bang humantong sa ganitong kalagayan?” (esep-esep)
“Nasisiraan na yata ako ng ulo, kanina ko pa kausap ang sarili ko.” (sayad)
---- “Brod, ano nangyayari sa iyo? Kanina kapa bulong ng bulong diyan?” ------(concern)
“Ha ah, eh. . . wala, may iniisip lang ako.” (palusot)
---- “Nag-iisip o nagdarasal?” ------- (nambuska pa)
“Pare, pwede ba? hayaan mo akong makapag isip. . .” (kunot na ang noo)
---- “Ito tinatanong lang. . . sungit mo naman” ------
“Ang ingay mo kasi hindi ako makapag concentrate!”
---- “Anong concentrate? Ang lagay na’yon ay hindi kapa nakakapag concentrate?” ----
Nahinto ang pagtatalo ng dalawa . . .
“Dyaske kang bata ka, kanina pa kita hinahanap, nandito kalang pala!” (patay ka ngayon)
Hinawakan ng ina ang kanyang patilya at gigil na hinila paitaas. . . dahil sa sakit ay napasunod ito at napatayo sa kanyang kinauupuan.
“Araaaaay, aray-araaaayyy, Nay naman masakit!”
“Anong masakit mas lalo kang masasaktan kapag ang tatay mo pa ang sumundo sa iyo dito! Iniwanan mo yung pintong bukas, ayon nagpasukan lahat ng bibe duon sa loob ng bahay at nagkalat ng tae duon sa sala”
“Isinara ko po iyon.”
“Anong isinara, halika at tingnan mo.”
Papaalis na sana silang mag ina, nang humabol at mag tanong ang kanyang kabarkada.
--- “Teka- teka. Pare, tira mo.” ----
Bago pa nasundan ang usapan nilang magkabarkada ay dali-dali na siyang hinila ng kanyang ina papalayo.
“Maka ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na wala kang mapapala diyan sa paglalaro ng chess! Lalo kalang mabobobo”
“Inay naman”.

Bespren?
“Inom tayo”, inaya mo ‘ko.
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
Pwede ba kitang tanggihan, bespren tayo,
“Pero wala akong pera ”, sabi ko sa’yo.
“Wala akong pampatak, kung ‘di otso”.
“Wag kang mag-alala sagot ko na”,
Tugon mo sakin, sabay dukot sa bulsa,
“Meron pa ako ditong singkwenta
Ihanda mo nalang ang baso at lamesa”.
Nagsimula tayo ng alas kuwatro
Tinagay ang markang demonyo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Hithit buga ng sigarilyo, at ng ika’y mahilo
Ay nagsimula ng magkuwento.
Sinabing may mabigat na suliranin
Bumabagabag sa iyong damdamin
Tinanong kita at inamin sa akin
Ang syota mo ay may madilim na lihim.
Hindi mo napigil ang iyong luha sa pagpatak
Sinabi mong ang puso mo’y wasak na wasak
Sa awa ko sa’yo pati mundo ko’y bumagsak
Dahil sa syota mo, tayo ay umiyak
Kinalabit ko ang gitara at tayo’y kumanta
Yung sa Parokya ni Edgar at sa Rivermaya
Tinulungan kang makalimot at mapasaya
Makatakas kahit sandali sa iyong problema.
Nang matapos ang inuman ako’y napa isip,
Natingin sa malayo at natingala sa langit,
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Itong aking konsensiya, inuusig ako pilit
Dahil ang syota mo, ako ang bagong iniibig.
Tagos!
“Ano ba iyang dumi sa iyong likuran?”
Itinanong ng ina, nang may masilayan
Sa likod ng anak, nasa kanyang harapan
Na para bang, may mantsa sa gawing puwitan.
Tumalima ang anak at saka tiningnan,
Ang napansin ng ina at napag-takahan.
“Ako po yata ina ay sadyang dinatnan?”
Tugon ng anak na nagugulumihanan.

Ang matandang babae ay biglang na tigil
Sa tinuran ng anak na may pagka-sutil
Ang matandang babae’y di nakapag pigil
Kinutusan ang anak sa sobra n’yang gigil.
“Ilang ulit ko bang sasabihin sa’iyo,
Na itigil mo na ‘yang pinapantasya mo
Ikaw ay lalake isaksak sa’yong ulo.
Ang pag astang babae, iyo nang ihinto!”
“Opo ina, opo ina”, sambit ng bata
Sa mahal niyang inang hindi alintana
Na tuloy sa pagkurot, sa harap ng madla,
Suwail na anak ay ibig ng itatwa.
Ang kaniyang likuran ay muling kinapa,
Inamoy kanyang kamay na, ma masa-masa
Lumingap ang bakla sa galit niyang ina
“Nay, kala ko po ay regla. . . tae po, pala”.

Idol
Muntik na akong ma-ospital noong isang araw,
Muntikan na kasing mabali ang aking buto,
Buti na lang ang latay ay hindi masyado
Paghambalos nang buhok ng lola nyo
Ang haba ng hair ay sobrang-sobra,
Mala Rapunsel ang naging drama,
Nang magtapat ng pag-ibig sa kanya
Ang romantikong si Robin Padilla.
Ang mga baduy ay nagsipanood,
Ma pa TV man at maging sa YouTube
Pati tuloy akong di naman jologs,
Napa silip ng mai-post sa Facebook.
Aydol ko si Binoy...
kahit noon pa man,
Kaya diko man gusto ang usapan
Basta't si Bad Boy ang involve sa kwentuhan,
pipilitin ko itong pagtiyagaan..
pipilitin ko itong pagtiyagaan..
Utot nga lang ba?
Pipiliting itago ang tunay nadarama,
Sisikapin kong ito'y di mo mahalata,
Sapagkat ako'y takot, na iyong matanto,
Kayat ako'y lilisan, pipiliing lumayo.
Matagal na rin naman ang aking pagdurusa,
Kinimkim, sinarili at inilihim sa iba,
Mahirap, masakit parang hindi na kaya,
Kaya dinadaan na lamang sa buntong hininga.
Labas nasa katawan ang malamig na pawis
Dahil sa paghihirap na aking tinitiis,
Sikip man ang dibdib, itatago paring pilit,
Ang aking nadaramang puno ng hinagpis.
Pawisang-pawisan, tatakbo at hihinto,
Habol ang hininga, tatayo at uupo,
Pipikit ang mata, at bubulong ng " Diyos ko",
Sana po sa kubeta ay umabot ako.
Utot nga lang ba? O mayroon pang iba?
Hindi ko rin alam, kung meron ng kasama,
Ako'y nangagnamba at labis ang takot,
Baka may kasama na, ang aking pag-utot.
Subscribe to:
Posts (Atom)